^

Pang Movies

Sawa nang maging taong bahay? pagkatapos isuka, John Lloyd gusto na uling mag-showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sawa nang maging taong bahay? pagkatapos isuka, John Lloyd gusto na uling mag-showbiz
John Lloyd

Hindi pa rin isinisilang ni Ellen Adarna ang magiging anak nila ni John Lloyd Cruz dahil kuryente ang balita na naka-schedule siya na manganak noong second week ng June.

Bukas, June 24, ang 35th birthday ni John Lloyd kaya may possibility pa na maging ka-birthday niya ang panganay nila ni Ellen, maliban na lang kung talagang mapapaaga ang pagsisilang nito.

May kumakalat na tsismis na type nang magbalik-showbiz ni John Lloyd, matapos magpahinga ng pitong buwan.

Magaling na aktor si John Lloyd kaya kahit nag-quit ito sa showbiz noong last quarter ng 2017 nang dahil sa pag-ibig kay Ellen, puwedeng-puwede pa niya na balikan ang iniwanan ng propesyon. Hindi nga lang nakakatiyak si John Lloyd kung kumpleto pa rin ang fans niya dahil may mga tagahanga siya na nagtampo nang makipagrelasyon siya kay Ellen.

Pero kung talagang love si John Lloyd ng kanyang devoted at loyal fans, mamahalin din nila ang babae na makakapagpaligaya sa aktor at si Ellen nga ito.

Ilang mga artista nagdusa rin sa biglang buhos ng ulan

Iisa ang reklamo ng lahat noong Thursday night, nagdusa sila sa matagal na trapik dahil sa malakas na ulan at sa pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila.

Hindi exempted ang mga artista tulad ni Paolo Ballesteros na ina­bot ng siyam-siyam bago nakauwi sa bahay niya sa Antipolo City.

Ang tindi kasi talaga ng malakas na buhos ng ulan noong Huwebes nang gabi. May mga kakilala ako na stranded sa malls kaya nanood muna sila ng sine bilang pampalipas-oras.

Scary talaga ang ulan at baha noong Huwebes dahil mala-Ondoy ang mga eksena. Hinding-hindi ko makakalimutan ang Typhoon Ondoy dahil Sabado noon at for the first time, na-late ako nang dating sa studio ng Startalk noong September 24, 2009.

Bisperas din ‘yon ng 43rd birthday ni Bong Revilla, Jr. sa isang events place sa Makati na hindi nakadalo ang ilan sa mga invited guest dahil sa masungit na panahon.

Imagine, lumubog sa baha ang sasakyan ko dahil sa malalim na tubig sa Kamias Street? First time ko rin na umapir sa Startalk na walang make up dahil hindi na ako nakapunta sa parlor ni Bambbi Fuentes.

Nabulabog ang Metro Manila sa pinsala na hatid ni Typhoon Ondoy dahil sa kauna-unahan na pagkakataon, na-sight nila ang mga sasakyan na inanod at lumutang sa baha dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig.

Babaeng naanakan ng aktor, hopia pa rin sa second chance

Imbyerna ang aktor sa madir ng kanyang anak dahil sa akusasyon na nililimitahan ng girl ang pagkikita nila ng bagets.

Ang feeling ng aktor, nananadya ang madir dahil hindi nito matanggap na nakikipagrelasyon na siya sa iba.

Iba naman ang hinala ng concerned citizens na convinced na in love pa rin sa aktor ang madir kaya ginagamit nito ang bata para buwisitin siya.

Hinihintay lang ng aktor na lumaki at magkaisip ang bagets dahil kapag nangyari ito, ipipilit na raw niya ang kanyang mga karapatan bilang ama.

May mga nagpapayo naman sa madir na huwag maging maramot sa aktor dahil lalong lalayo ang kalooban nito sa kanya.

“Kill him with kindness and understanding” ang advice ng friends sa madir na hoping pa yata na magkakaroon ng part 2 ang love affair nila ng aktor na ayaw na ayaw nang marinig ang name niya.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with