^

Pang Movies

Miss Manila malaki ang natutulong sa mga mahihirap

Joe Barrameda - Pang-masa
Miss Manila malaki ang natutulong sa mga mahihirap

MANILA, Philippines — Sa loob ng limang taon na tumatakbo ang Miss Manila ay malaki pala ang naitutulong nito sa siyudad ng Maynila. Sa pamamagitan ng mga sponsors nila every year ay maraming nagagawa ang MARE Foundation sa mga indigents ng Maynila gaya ng mga medical missions sa iba’t ibang Barangay na nangangailangan ng tulong.

Bukod diyan ay may mga feeding program pa sila at marami na silang nabiling modernong medical equipment para sa mga city hospitals ng siyudad. 
Kaya maganda ang pinupuntahan ng pondo ng Miss Manila in coordination with Ms. Jackie Ejercito Lopez, chairperson ng MARE at ni Manila Ma­yor Joseph Estrada.

Kaya asahan natin na marami pa ang magagawa ng MARE sa tulong ng Miss Manila Event na sa taong ito ay sa June 26 sa PICC ang coronation night.

Kasabay namin ang kasamahan namin sa panulat na si Jojo Gabinete at nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Jewel May Lobaton na siyang project coordinator ng Miss Manila. Matagal na palang hindi niya nakakausap o nakikita ang dalawang anak niya kay Senator Koko Pimentel.

Pareho lang sila na naging sitwasyon ni Jackie Forster although si Sen. Koko ay powerful kaya medyo mahirap ang sitwasyon niya. Kaya kahit may kaso siyang nakasampa sa husgado ay pinapasa- diyos na lang daw niya at tama naman na darating ang panahon na hahanapin siya ng mga anak dahil  lanak niya ang mga iyon kahit anong nangyari.

 Michael V. laging nakahanda sa bakasyon

Back to taping sa Lunes si Michael V. at ang buong tropa ng Bubble Gang at sa Thursday naman ang Pepito Manaloto matapos ang one month vacation ni Bitoy sa Amerika kasama ang pamilya.

Mahilig din sa adventure si Bitoy at kung saan-saan pumupunta para makakuha ng ideas sa programang Bubble Gang na napapanood tuwing Biyernes ng gabi at Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi sa parehong sa GMA

vuukle comment

MISS MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with