^

Pang Movies

Lovi at Rhian sinisisi sa hiwalayang Jolo at Jodi!

Nitz Miralles - Pang-masa
Lovi at Rhian sinisisi sa hiwalayang Jolo at Jodi!
Rhian at Jolo

MANILA, Philippines — May nabasa kaming baka sina Lovi Poe at Rhian Ramos daw ang rason ng break-up nina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Ito ay kung totoong naghiwalay na ang dalawa, based sa birthday greetings message ni Jolo kay Jodi.

Wala namang kasalanan sina Lovi at Rhian, nagkataon lang na si Rhian ang leading lady ni Jolo sa 72 Hours episode ng action movie ng Imus Productions na Tres.

Si Lovi naman ay kasama rin sa cast ng 72 Hours sa role ng isang pulis at nagkataon na ex-girlfriend siya ni Jolo. Pero, matagal nang nagtapos ang relasyon nina Lovi at Jolo at si Lovi may boyfriend ng Fil-French.

Si Rhian ay taken na rin, isang Chinoy ang nobyo nito at mukhang seryoso ang relasyon ng dalawa. Nagtrabaho lang sila ni Lovi, wala silang kinalaman kung totoo mang hiwalay na sina Jolo at Jodi.

Baby Zia magaling nang mag-picture

Tinalo na naman ni Zia Dantes ang mommy niyang si Marian Rivera sa paramihan ng likes sa pictures nila na parehong naka-swimsuit. Si Marian, may 147,032 na ang likes sa picture niyang naka-two-piece swimsuit, pero si Zia, may 280,879 likes na ang pic na naka-red swimsuit. Partida pa ‘yun dahil one piece ang ang suot ni Zia, samantalang si Marian ay two-piece.

Magaling na ring kumuha ng litrato si Zia, siya ang kumuha ng picture na nagsasayaw sina Dingdong at Marian at nakalagay sa IG story ng aktres. Naririnig ang pagbilang ni Zia ng “one, two, three, four.”

Nabanggit pala ni Dingdong na may kakaibang ukit ang El Nido sa kwento nila ni Marian. Sabi ng fans ng dalawa, dahil sa El Nido raw nabuo si Zia, kaya posibleng sa El Nido rin mabuo ang second baby ng mag-asawa.

Benjamin may pabulaklak kay Julie Anne hanggang sa dubai

Muling pinatunayan ni Benjamin Alves ang pagmamahal kay Julie Anne San Jose dahil pagdating nina Julie, Christian Bautista at Regine Velasquez sa Dubai para sa kanilang 3 Stars, 1 Heart concert doon, sumalubong sa kanya ang boquet of flowers from Benjamin.

Nakasulat sa card kung saan galing ang boquet of flowers at ang salitang “Baby” na terms of endearment siguro ni Benjamin kay Julie Anne. Naka-post sa IG story ni Julie Anne ang flowers at may caption na “Never Fails.” Ibig sabihin, kahit saan magpunta si Julie Anne, lagi siyang may bouquet of flowers mula sa boyfriend.

vuukle comment

JOLO REVILLA

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with