^

Pang Movies

Isang gown lang daw ang katapat Kris inaming mas malaki pa ang gastos kesa sa TF sa CRA!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Isang gown lang daw ang katapat Kris inaming mas malaki pa ang gastos kesa sa TF sa CRA!
Kris

Inaamin naman ni Kris Aquino na kakapiraso lang talaga ang role niya sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians na showing na sa bansa sa Asia this August. Ito ang sagot niya sa IG post ni Nay Lolit Solis kung saan sinabi nitong malamang na mas malaki pa ang ginastos ni Kris sa pagpunta sa Singapore bitbit ang kanyang glam team kesa sa natanggap niyang talent fee sa pelikula na base sa best selling novel ng Singaporean novelist na si Kevin Kwan. “I have never hidden the fact na i have at most 5 minutes of screen time in Crazy Rich Asians. But it was a once in a lifetime opportunity- so i grabbed it. Regarding the talent fee, i think it paid for my @michael5inco gown... may strict non disclosure agreement ang Warner Brothers, but when people watch the movie they will understand bakit ako na excite. I remember you gave me such wise advice before- tinanong kita bakit okay maging maluho ang sasakyan ng artista & you said: Tetay, yun ang nakikita ng mga tao- kung gusto mo ng malaking TF, dapat hindi ka yung mukhang pwedeng tawaran. Never forgot those words. And put it into practice sa gastos sa glam team & wardrobe ko,” mahabang paliwanag ni Kris sa kanyang dating manager.

Sinagot din ni Kris kung bakit siya dumaan sa party ni QC Mayor Herbert Bautista na pinag-usapan nga. “Dumaan ako kasi yung party ni mayor was 3 minutes away from my shooting set. Kung ininvite mo ko sa birthday mo- dumaan din sana ako & like last time, $ ang laman ng AMPAW na lucky envelope na gift ko,” ang sagot pa ni Kris sa IG post ng dating Startalk host at talent manager.

Kaya naman ang hinihintay ngayon ni Nay Lolit, ang ampaw ni ibibigay ni Kris na $ ang laman.

Actually, nag-e-enjoy si Nay Lolit ngayon sa social media dahil bongga raw pala itong pang-harbat. Hahaha.

Bumati na rin si Sharon Cuneta sa IG post niya nang “Happy birthday, Nay. Thank you po sa pinasabi nyo kay Nancy sa akin noon pa. God bless you!,” sabi ni Ms. Shawie.

Senador nadagdagan daw ang bilang ng anak

Hindi makapaniwala ang isang senador na may anak na 86 ang isang kapwa niya naging senador.

Todo tsika si Mr. Senator sa isang lamayan at nang sabihing 82 lang ang total number ng anak ng isang senador, kinorek niya at sinabi na 86 nga. Kaya naman nanlaki ang mga mata ng mga kaharap ng senador na tulad niya at kilala rin sa pulitika.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with