^

Pang Movies

Sarah puring-puri ng mga kapatid ni Matteo, generous at caring daw!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sarah puring-puri ng mga kapatid ni Matteo, generous at caring daw!
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Pamilya na pala ang turing ng pamilya ni Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo.

Sa isang TV interview, sinabi ng mga kapatid ng aktor na ganun ang relationship at turing nila sa Pop Royalty na girlfriend ng kanilang kuya.

Very generous pa raw si Sarah, funny and caring.

Consistent ang pamilya ni Matteo tungkol sa pagmamahal din nila kay Sarah pero ang mga kapatid ni Sarah ay tahimik tungkol kay Matteo.

Anyway, dire-diretso na raw ang shooting ng pelikulang Miss Granny na pinagbibidahan ni Sarah. Base sa mga naglalabasang still photos and videos ng pelikula, nakakaaliw ang kuwento ng movie kung saan ang isang intrimitidang lola ay biglang naging mas bata at na-in love.

Makikita  sa trailer si James Reid na gaganap na apo niyang isang musician.

Sa August ang target playdate ng pelikula ng Viva Films na matagal nang hinihintay ng fans.

Wala nang trace na napagod at nag-break down si Sarah sa kanyang Las Vegas concert para sa US tour ng kanyang This 15 Me.

Meghan pinag-aralan ang pag-inom ng tea bago humarap sa reyna

Bago pala pinakilala ni Prince Harry ang magiging misis niyang si Meghan Markle kay Queen Elizabeth, nag-practice muna ito ng tea etiquette. “I do believe that I mentioned, as I always do, that the handle of the cup is always left at three o’clock of course ... and the spoon always needs to be left at six o’clock and 12 o’clock,” sabi ni Edmund Fry, ang British-born owner ng Rose Tree Cottage sa Pasadena, Los Angeles ayon sa online report ng AFP. At natural naman daw ang dating ng Hollywood aktres, madali itong turuan at “on a scale of one to 10, by the time she finished coming to us, I would say she would probably be a 9.5,” sabi pa ni Mr. Fry sa ndtv.com.

Ikakasal sina Prince Harry at Meghan sa Linggo na inaabangan na ng mga mahihilig sa fairy tale story.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with