^

Pang Movies

Miss U 2018, hindi na tuloy sa Bora!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Miss U 2018, hindi na tuloy sa Bora!
Chavit Singson

Drawing lang ang balita na magaganap sa Pilipinas sa November 2018 ang Miss Universe dahil hindi ito totoo.

Lalong naging malabo ang posibilidad na idaos sa Maynila ang 67th edition ng Miss Universe dahil natsugi sa puwesto si former Department of Tourism Secretary Wanda Teo na gustung-gusto na muling ganapin sa bansa natin ang coronation ng prestigious beauty contest.

Hindi na interesado si Papa Chavit Singson na gastusan ang Miss Universe dahil hindi niya nabawi ang kanyang puhunan sa 65th Miss Universe. Hindi naman nagsisi si Papa Chavit dahil nagamit nito sa ibang mga negosyo niya ang mga bus at yacht na kanyang binili na ginamit ng mga contestant ng Miss Universe noong nakaraang taon.

Cesar nagpaliwanag sa P80-M na carinderia

Sa pagkakaalam ko, may valid reason at explanation si Cesar Montano tungkol sa Buhay Carinderia, ang project ng Tourism Promotions Board na ginastusan nito ng P80 million.

Si Cesar ang Chief Operating Officer ng TPB at nag-usap na sila ng newly appointed DOT Secretary Berna Romulo Puyat tungkol sa Buhay Carinderia controversy pero hindi pa inilalabas sa publiko ang resulta ng kanilang meeting.

Hindi ako magugulat kung biglang lilitaw ang balita na project din ng Department of Tourism ang Buhay Carinderia pero ipinasa lang ito sa government agency na pina­mumunuan ni Cesar.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil sure na lalabas ang katotohanan.

Shamcey hindi nagsisising tumangging mag-artista

Successful ang food business ng mag-asawang Shamcey Supsup at Lloyd Lee kaya malaki ang pasa­salamat nila sa Diyos.

Si Shamcey ang third runner up sa Miss Universe noong 2011 at nagkaroon siya ng mga movie offer pero tinanggihan niya, kahit tempting ang mga alok.

Tama naman ang desisyon ni Shamcey na huwag pumasok sa showbiz dahil maayos at tahimik ang buhay niya ngayon.

Certified architect si Shamcey kaya siya ang namamahala sa construction ng mga restaurant nila ni Lloyd sa iba’t ibang mga mall.

Kung makikita ninyo ang mga train concept at design ng mga restaurant ng mag-asawa, idea ‘yon lahat ni Shamcey na preggy sa second baby nila ni Lloyd.

Hoping ang mag-asawa na hindi mali ang resulta ng ultra sound test na baby boy ang second child nila dahil babae na ang kanilang panganay na kalokalike ni Lloyd.

Maricel at Maine magsasalpukan

Excited ang fans sa possibility na magsama sa isang pelikula sina Maricel Soriano at Maine Mendoza.

Sana nga, matupad ang pagtatambal ng dalawa sa isang comedy movie dahil pareho sila na maga­ling na aktres.

Kahit noong nagsisimula pa lamang si Maine sa showbiz, marami ang nagsasabi na siya ang another Maricel Soriano dahil sa talent niya sa pagpapatawa at drama.

I’m sure, type din ni Maricel na makatrabaho si Maine na dapat nang bigyan ng bagong movie project dahil matagal na rin mula nang mapanood siya sa big screen.

Malaki talaga ang chance na magkasama sa isang movie project sina Maricel at Maine dahil BFF sina Mother Lily Monteverde at Mr. Tony Tuviera, ang big boss ng APT Entertainment at manager ni Maine. Madali para kina Mo­ther at Papa Tony na magkaroon ng joint venture para matupad ang dream ng fans na mapanood na magkasama sina Maricel at Maine sa silver screen.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with