^

Pang Movies

Fans disappointed Bea inakusahang plastik, promo queen at gimikera!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fans disappointed Bea inakusahang plastik, promo queen at gimikera!
Bea

Ang daming nagtataka ngayon kung bakit magkasama sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa Mt. Pinatubo noong Lunes gayung nagpahayag na nga ang aktres na hindi na “sila” at technically single na siya.

Karamihan sa followers nila ay nalilito at naguguluhan kung bakit sila magkasama gayung break na nga sila.

Marami namang natizens ang naiinis dahil tila gumimik lang daw ang dalawa at pinalabas na hiwalay na sila para sa kani-kanilang pelikula.

Ni-recall nila na noong time na ipinapalabas ang My Perfect You movie ni Gerald Anderson with Pia Wurtzbach noong Marso ay pinalabas din nilang hiwalay na sila’t naging issue nga ang pag-unfollow ni Bea sa aktor.

Matapos ipalabas ang My Perfect You ay tila naging okay na naman ang lahat sa pagitan nila’t ianmin pa ni Bea na magkasama pa sila sa London last April.

Ngayong si Bea naman ang may movie, ang Kasal with Derek Ramsay and Paulo Avelino, may hiwalayan na naman daw na issue.

Turn-off ang ibang netizens kay Bea at tinatawag tuloy siya ngayong “plastic,” “promo queen” at gimikera. Hindi raw nila akalaing magre-resort sa cheap gimmick ang classy actress at tinaguriang Movie Queen.

Pero may mga nagtatanggol naman sa kanya at komento nila, pwede naman daw na sadyang mahal lang ni Gerald si Bea kaya hindi nito sinusukuan ang aktres.

Besides, showing pa lang naman daw ang Kasal today, May 16, so kung gumigimik daw si Bea, dapat ay iniiwasan muna nito si Gerald sa mga panahong ito. Depensa pa ng isa, the fact na magkasama sila bago ipalabas ang pelikula means na hindi naman daw gumigimik ang aktres.

Sharon kay Bea: ‘di ka maarte kaya ka sikat!’

Kay Bea pa rin, makahulugan ang IG post niya last Monday night at tila sagot sa mga nagtatakang fans niya.

Ayon sa aktres ay marami raw siyang na-realize na bagay sa kanyang personal na buhay dahil sa pagganap sa kanyang karakter sa Kasal bilang Lia at kasama na rito ang pagyakap sa reyalidad.

“In bed right now thinking of the premiere night tom of “KASAL”.. You will finally get to see the movie..

“Playing Lia made me realize a lot of things about my own life like how to embrace my reality.. And she also gave me a new perspective about forgiveness and true happiness..

“I am feeling so blessed that i was given another opportunity to play a very interesting and complex character and work with such amazing and talented people on and off the camera..

“Sometimes, it’s not just about watching a movie, it is about the experience of seeing the journey of the characters.. And let me leave it at that,” ang laman ng post ni Bea.

Nagkomento si Sharon Cuneta sa post na ito at binigyan ng words of encouragement si Bea.

“God will continue to bless you because mabuti kang anak. Your Mama must be so proud of you! Kaya ka sikat eh! Di ka maarte or mabigat panoorin! That’s why I am your fan. Can’t wait for ‘Kasal!’ God bless you dearest Bea!” komento ni Sharon at nagpasalamat naman si Bea sa kanya.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with