^

Pang Movies

Janella madalas daw namamaga ang mata pag nagre-report sa shooting/taping?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Janella madalas daw namamaga ang mata pag nagre-report sa shooting/taping?!
Janella Salvador

Hindi pala binati ni Janella Salvador ng Happy Mother’s Day ang nanay niyang si Jenine Desidero.

Ang ina mismo ang nagbuko na “No, she didn’t” sa sagot niya sa isang follower sa video message ng kanyang anak na bunso na nagtanong kung nag-send din ng pagbati ang eldest daughter ng Mother’s Day message.

Gaano nga ba kalalim ang hidwaan ng mag-nanay at parang hindi puwedeng ayusin?

Ayon sa isang source, may pagkakataon diumano na napagbubuhatan ng kamay ng ina si Janella.

Diumano lang naman ayon sa source at ayaw niyang i-confirm.

Meron daw kasing pagkakataon na dumara­ting ang young actress sa taping o shooting ng endorsement o pelikula na namamaga ang mga mata sa kakaiyak.

Isang beses nga raw ay kinailangan pa itong pagpahingahin sa shooting ng endorsement dahil sa hitsura ng mata.

Bukas ang pahinang ito para kina Jenine at Janella kung anuman ang paliwanag nila tungkol sa isyung ito.

Hiwalay na nga ba talaga?

Tuluyan na nga bang naghiwalay sina Cristine Reyes at ang mister niyang si Ali Khatibi?

Napansin sa social media na nag-isnaban ito nung Mother’s Day at hindi na rin pina-follow ni Cristine ang asawa nito sa kanyang social media account.

So natuluyan na ba ang kanilang  paghihiwalay?

Disabled ang comment section ng IG account ni Cristine kaya walang makapag-react o makapag-comment sa kanyang mga post.

So ano nga ba ang nangyari sa kanila?

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with