^

Pang Movies

Derek ayaw maging kabit!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Derek ayaw maging kabit!
Derek Ramsay

Hindi raw nakikita ni Derek Ramsay ang sarili bilang isang third wheel, lalo na sa dalawang taong nagmamahalan at malapit nang ikasal. Yes, sa tunay na buhay.

Sa pelikula nilang Kasal kasi na handog ng Star Cine­ma para sa ika-25th anniversary nito, gumaganap siya bilang former boyfriend ni Bea Alonzo, na pilit binabalikan ito, kahit alam niyang ikakasal na ito sa karakter na being played by Paulo Avelino.

He describes himself as a one-woman daw, bagama’t marami na siyang relasyong hindi umubra in real-life.

In his younger years, nagkaroon siya ng karelasyon na non-showbiz at pinakasalan niya ito, pero naghiwalay din sila. Nagkaroon siya ng anak, almost a teenager now, sa nabanggit na dating karelasyon.

Isa ring open book ang naging romansa niya kay Angelica Panganiban at Solenn Heussaff.

Right now, isang ‘di taga showbiz at single mom ang karelasyon ni Derek. He sees himself marrying her at the proper time.

Bea kinilig pa rin sa minanang title kay Susan

Kakaibang feeling of excitement daw ang naramdaman ni Bea Alonzo nang pangalanan siya ni Susan Roces na Movie Queen of her Generation. Maging si Susan din kasi ay naging movie queen in her time.

Kailangan daw ni Bea na ma-meet ito para pasalamatan at gusto rin niyang ipaalam dito na overwhelmed daw siya sa ginawang parang official announcement ni Susan.

Pangarap ni Bea na makatrabaho ito either in a movie or TV shows.

Ang Kasal na kanyang pelikula kasama sina Derek Ramsay at Paulo Avelino na ipapalabas na sa Miyerkules sa lahat ng theaters nationwide ay ang kanyang unang pelikula after two years na nag-concentrate siya sa TV. Ang huli naman niyang serye ay ang A Love To Last.

Well, feel niya raw na bawing-bawi siya ngayong taon mula sa paggawa ng pelikula, since after ng Kasal, gagawin naman niya ang Eerie with Charo Santos-Concio, na ipapalabas daw internationally ayon sa producer and director nitong si Lav Diaz, at ang isa pang yet-untitled flick, na ang makakapareha naman niya for the first time ay si Aga Muhlach, with Paul Soriano directing.

AJ matatagalan pa bago mai-level kay Aga

Feel ni Aga Muhlach na magiging magaling na aktor ang kanyang kapatid na si AJ Muhlach in less than two years.

Hindi man daw ito nakakakuha pa ng mga lead role pero kinakikitaan niya raw ito ng husay sa pagiging character actor.

Sa serye nitong The Blood Sisters, agaw pansin daw ang kanyang pag-arte lalo na kapag si Erich Gonzales ang kanyang ka-eksena who plays a triple role.

Contract talent siya ng Viva Artists Agency, at ang The Blood Sisters ay ang first project niya sa Kapamilya although Lumabas na rin naman siya sa ilang Viva Entertainment projects.

Pero, itong The Blood Sisters ang puwede niyang ituring na somehow may nangyayari na talagang maganda sa kanyang showbiz career. Napansin daw kasi ng kanyang Kuya Aga ang kanyang performance. Agree naman si AJ na aabutin pa nga raw ng taon bago niya maabot ang kalahati ng tagumpay ng kanyang Kuya Aga bilang aktor.

“But one thing is for sure, makapag-mamalaki akong kapatid ni Aga Muhlach,” ani niyang nakangiti.

Vina focus muna sa pagpapaka-cougar

Si Vina Morales ay hindi nalalayo sa estado ng kapatid na si Shaina Magdayao dahil hindi rin daw siya nagmamadaling magmahal muli.

Forty two years old pa lang naman daw siya, si Shaina naman ay 27.

Matagal-tagal na rin hiwalay si Vina sa kanyang French boyfriend at si Shaina naman on the other hand, although nali-link kay Piolo Pascual, nag-deny naman ito na wala raw silang relasyon. Years back, nagkaroon din sila ng relasyon ni John Lloyd Cruz.

Habang si Shaina ay busy sa kanyang serye na Asintado, seryoso namang tinututukan ni Vina ang kanyang role bilang cougar na in love sa lalaking half her age na ginanampanan naman ni Victor Silayan sa Precious Hearts Romances Presents: Araw gabi na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial.

May mga negosyo rin siyang inaaasikaso bukod sa pagiging hands on mom niya sa kanyang eight year-old daughter na si Ceanna.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with