^

Pang Movies

Bela masayang walang lalaki sa buhay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bela masayang walang lalaki sa buhay
Bela Padilla

Ibinuking ni Bela Padilla ang isa niyang poser dahil sa naglabas ito ng ilang info na siya ay in a relationship.

Gagey at tanga rin naman itong poser ng aktres. Maglalabas lang ng info sa social media account, naglagay pa ito na meron siyang karelasyon, huh!

Tweet ni Bela habang nakalabas ang pic ng poser niya na gamit ang litrato niya, “Alam mong fake account nu’ng in a relationship eh.”

Lesson ‘yan sa mga poser ng ilan nating artista na maski peke ang account eh gawin namang makatotohanan ang ilang info na ilalabas sa socmed account nila, huh!

Ellen supalpal?!

Simple lang naman ang solusyon sa nakaraang isyung kinasangkutan ni Ellen Adarna at isang netizen na nakasabay niya sa isang ramen house – magtago siya sa loob ng kuwarto at huwag pakalat-kalat sa public places!

Pinasikat ni Ellen sa sunud-sunod na Instagram stories  ang girl na feeling eh kinunan siya ng picture at video. Tinawag niyang PAP o paparazzi ang babae bilang ganti sa ginagawa sa kanya.

Umalma sa kanyang Twitter account ang girl na may user name na @Eleiluh o Eleila at nagsabing ang food ang kinunan at nagsabing hindi niya kilala si Ellen at walang alam sa issues sa buhay niya.

Kahit nasa tamang edad na, feeling teenager kasi itong si Ellen na tagu nang tago dahil sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz. Naku, ang ganyang klase ng mga artista ay walang puwang sa showbiz, huh!

Paolo gustong sarilinin ang bagong relasyon

Kinulit-kulit si Paolo Ballesteros nang lumutang ang balitang nagiging malapit ni Sebastian Castro, ang occasional actor na nakarelasyon ng isang dating Kapamilya news reporter.

“We’re friends!” bulalas ni Paolo sa blogcon ng My 2 Mommies at saka tumalilis ng alis.

Big star na nga si Paolo dahil hinahabul-habol na siya para tanungin ang lovelife. Pero marunong umiwas sa tanong ang aktor at hindi ito basta mapapaamin, huh! Or else, may a-award sa kanya, huh!

Kung anuman ang nakikita ng tao kay Paolo, ‘yun na ‘yon at huwag nang gawing obvious ang apparent na!

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with