^

Pang Movies

Luis at KC ‘di pinagkaitan ng ama

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Luis at KC �di pinagkaitan ng ama
Luis at KC

“Hindi lang naman si Ate Vi (Vilma Santos), pati rin naman si Sharon (Cuneta), pinalaki nang tama si KC (Concepcion) kahit na nagkahiwalay din sila ni Gabby (Concepcion), at alam natin iyan,” sabi ng isang beterano ring entertainment journalist nang makakuwentuhan namin noong isang araw.

Nag-react siya sa sinulat naming column sa PM (Pang-Masa) na nagsabing si Ate Vi ay napalaki nang tama si Luis Manzano. Nagawa lang naming example si Ate Vi, pero tama siya. Pinalaki rin naman nang tama ni Sharon si KC.

Mapait din naman ang naging paghihiwalay nina Sharon at Gabby matapos ang tatlong taon lamang ng kanilang pagsasama. Hindi lihim sa amin at maging sa publiko rin naman na nagkaroon ng third party sa kanilang relasyon kaya sila nagkahiwalay. Pero minsan man, hindi nagsabog ng kanilang iskandalo sa publiko si Sharon. Pinalaki rin naman kasi siya nang tama ng kanyang mga magulang.

Nagkahiwalay sina Sharon at Gabby. Aminin na rin natin ang totoo, hindi rin nasustentuhan ni Gabby ang kanilang anak, at hindi naman humingi ng sustento si Sharon. Hindi rin isinumbat ni Sharon ang bahaging nakuha ni Gabby noong sila ay magkaroon ng legal separation of conjugal properties.

Hinahayaan ni Sharon na makasama ni Gabby si KC. Hindi rin pinigilan ni Sharon na ma­ging close si KC sa kanyang mga kapatid, kay Garie na anak ni Gabby kay Grace Ibuna, at maging kay Chloe na anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia. The same way na ate si KC ng mga anak niya kay Kiko Pangilinan.

Minsan nagkakaroon pa rin nang sagutan sina Sharon at Gabby, kagaya ng nangyari recently lamang dahil sa kanilang hindi natuloy na pelikula, pero hindi nadadamay ang kanilang anak. Alam ni KC na mahal siya at pinangangalagaan din siya ng kanyang mga tunay na magulang.

May pinag-aralan naman ang mga magulang niya. Laki pa rin sa tamang pamumuhay. Kaya naman hindi sila nagkaroon ng ugaling kalyehera.

Single/Single… nakipagsabayan!

Kung kami ang tatanungin, ayos lang naman ang resulta noong Single/Single: Love Is Not Enough. Iyong makakuha ka nang mahigit na isandaang sinehan kahit na ang kasabay mo ay isang higanteng pelikula ay maganda na. Nabawasan ang kanilang mga sinehan, at patas lang iyon. Ang mali nga lang siguro bakit nga ba sila sumagupa sa isang napalaking foreign film.

Pero may isang bagay na napatunayan ang pelikula, at least nakatindig sila sa kabuuan ng kanilang playdate, at ngayon sinabing bumabawi naman sila sa ilang key cities. Mas maganda rin naman ang resulta niyan kaysa sa ibang ilang indie na nagawa ni Matteo. Kaya maliwanag din naman, na basta ang pagkakagawa ng isang pelikula ay mainstream, mas malaki ang chances talaga.

?Dating sexy star na-tokhang!

Dinampot ng pulisya ang dating sexy star na si Kat de Santos, at nakuhanan siya ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Bakit ba naman kasi itong mga artistang ito hindi pa tumigil? Ang dami nang nahuli sa kanila, at hindi mo masasabing araw-araw ay may susuwertihin kagaya ni Marc Anthony Fernandez.

Baka mayroon pa sa kanila na kasama sa bagong narco list. Sana naman tumigil na sila at magbagong buhay na.

vuukle comment

KC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with