^

Pang Movies

Pinalitan ni Jodi, John Lloyd tsugi sa pinaka-malaki niyang endorsement!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pinalitan ni Jodi, John Lloyd tsugi sa pinaka-malaki niyang endorsement!
John Lloyd

Si Jodi Sta. Maria na ba ang pumalit kay John Lloyd Cruz sa isang paracetamol brand na kung ilang taon ding in-endorse niya for Unilab at sabi’y ang talent fee niya rito ay isa sa biggest earnings niya as an actor?

Matagal-tagal na ring absent sa showbiz si JLC kaya binabantayan ngayon kung alin-alin pa sa mga ini-endorse niyang produkto ang mapapalitan.

At very recently nga, si Jodi na ang endorser ng gamot sa lagnat.

As of today, wala pa ring maliwanag na balita kung nagsilang na si Ellen Adarna ng anak nila ni JLC at kung totoong kambal ang isinilang niya.

Sunshine bawal nang bumalik sa Kapamilya

Touching mapanood na nag-duet sina Sunshine Cruz at ang panganay niyang si Angelina, nang mag-guest sila kahapon sa Sarap Diva cooking show ni Regine Velasquez-Alcasid sa GMA-7.  

Ang ganda ng singing voice ng mag-ina na nag-blending nang awitin nila ang Fools Rush In. 

Hindi na nga raw pinigilan ni Sunshine na pasukin ni Angelina ang showbiz at saan pa nga ba kung hindi sa recor­ding. Si Sunshine ay isa sa Cruz clan na kilala sa music world. 

May maganda rin ang boses ng ama ni Angelina na si Cesar Montano.

How true, na tuluyan nang lumipat si Sunshine at pumirma ng contract sa GMA kahit nang magpaalam siya sa ABS-CBN ay pinigilan siya at sinabihan na hindi na siya pwedeng bumalik sa kanila kapag lumipat siya ng network?

Sa ngayon ay busy na si Sunshine na nagti-taping ng una niyang project sa pagbalik niya sa Kapuso Network, ang Karibal Ko Ang Aking Ina na kasama niya sina Bea Binene, Benjamin Alves at marami pang iba.

Lovi at KC biglang naging sisters

Natuwa ang mga fans nina KC Concepcion at Lovi Poe sa post ng picture nila nang magkita sila #OMEGAtresor event sa Berlin, Germany na pareho silang invited together with the other endorsers ng Omega watch.

Post ni Lovi: “I remember copying one of her famous haircuts when I was in the 6th grade... I was obviously a fan... and now even a bigger one because of her genuine heart. @itskcconcepcion” na sinagot ni KC ng: “This is so sweet. Remember... you inspire me too! ILY.”

May mga nag-comment na para silang magkapatid, hindi raw ba ninong ni KC ang daddy ni Lovi na si Fernando Poe Jr. ibig sabihin ay sisters sila, magkamukha sila.

Back in town na si Lovi dahil kailangan na nilang tapusin ang taping ng romantic-comedy series nilang The One That Got Away na nasa last three weeks na.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with