^

Pang Movies

Ruru napaiyak kay Harry Styles!

Joe Barameda - Pang-masa
Ruru napaiyak kay Harry Styles!

MANILA, Philippines — Hindi napigilan ni Ruru Madrid ang maiyak nang mapanood niya ng live ang matagal niyang iniidolo na si Harry Styles.

Noong Lunes ng gabi after ng ribbon cutting ng isang clinic ay agad siyang bumiyahe patungong MOA para mapanood ang idol na si Harry Styles. Pagdating pa lang namin doon sa MOA ay nagulat kami sa haba ng pila papasok sa venue.

Hindi ito naging dahilan para mag-backout siya dahil may ticket na siya na noon pa niya pinaghandaan. Sa pagpunta pa lang niya sa Nueva Ecija ay nag-tweet na siya ng ‘I cant wait to see you H’.

Iniisip ko kung sinong babae ang tinitweet niya na ang pagkakaintindi ko sa H ay honey. Yun pala ay Harry for short. Naloka ako.

Sa mga post ni Ruru ay masayang masaya siya habang sinasabayan ang kanta ni Harry Styles kasama ang libu-libong tao sa loob ng Arena.

Nag-post din si Janine Gutierrez na naroon din siya sa may upper section. Nagkausap nga daw sila ni Janine na kapatid yata ang kasama.

Kaya isang unforgettable evening ito kay Ruru nang mapanood niya ang big concert ni Harry Styles sa bansa.           

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with