^

Pang Movies

May bagong papa!

Aster Amoyo - Pang-masa
May bagong papa!

MANILA, Philippines — May bagong nali-link ngayon sa My 2 Mommies star na si Paolo Ballesteros, ang actor-model na si Sebastian Castro na nakasama ng actor-comedian at TV host sa isang event in La Union kamakailan lang. Pero wala pang kumpirmasyon na nagmumula sa dalawa.

Samantala, tila relatable kay Paolo ang kanyang bagong role sa My 2 Mommies na pinagtatambalan nila ng sexy singer-actress-model na si Solenn Heussaff.

In real life, si Paolo ang dad ng 9-year-old na si Keira sa kanyang ex-girlfriend na si Ma. Katrina Nevada.

Ang My 2 Mommies ay mula sa panulat ng writer-director na si Jose Javier Reyes at dinirek ni Eric Quizon at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide simula sa May 9 bilang Mother’s Day presentation ng Regal Films.

Dasal ni Jackie pinakinggan na ng diyos!

Hindi mapapantayan ng anumang halaga ang kasiyahang naradama ngayon ng dating actress na si Jackie Forster matapos matupad ang kanyang mga dasal na muli niyang mayakap at makapiling ang dalawa niyang estranged sons na sina Andre at Kobe Paras, ang dalawa niyang elder children sa kanyang ex-husband, ang dating cager-turned actor-comedian na si Benjie Paras.

Mahaba-haba ring panahon ang tiniis at pinaghintay ni Jackie para makapiling ang dalawang anak na naging malayo ang loob sa kanya magmula nang magkahiwalay sila ng kanilang amang si Benjie in 2003.

Jackie has remarried to an American businessman at meron na silang tatlong anak. Ang kaisa-isa niyang anak na babae na si Caleigh ay nagkasakit noon ng deadly na leukemia pero ito’y gumaling na. Ang dalawa pa niyang anak sa kanyang present husband ay sina Jared at Yohan.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with