^

Pang Movies

Moira inalok ng kasal sa music video!

Veronica R. Samio - Pang-masa
Moira inalok ng kasal sa music video!
Moira dela Torre

MANILA, Philippines — Marami ang kinilig sa napanood na marriage proposal kay Moira dela Torre ng boyfriend niyang si Jason Marvin. Naganap ito sa huling bahagi ng MTV niya ng Tagpuan na idinirek ni John Prats.

Bumagay ito sa tema ng music video, kung kaya ginawa itong bahagi ng MTV na unang naipasya ng magdyowa na ipapanood sa publiko for the first time sa Gandang Gabi Vice. Walang nakapanood ng video ang hindi naantig sa ginawa ni Jason na marriage proposal sa kanyang girlfriend. Parehong singer/composer/musician ang engaged couple.

Tony naimpluwensyahan ng ina

Tiyak na proud si Tony Labruska sa kanyang ina na si Angel Jones na nagwagi sa ageless category sa katatapos na paligsahan ng isang brand ng tuna para sa fitness buffs o yung mga mahilig mag-maintain ng magandang pangangatawan hindi lamang sa pamamagitan ng exercises at workouts kung hindi sa pag-iwas sa mga pagkaing hindi healthy.

Sila ‘yung kung tawagin ay Superbods na kabilang sa nga nakakabatang image model sina Gerald Anderson, Paulo Avelino at Matteo Guidicelli. Bago sila, Superbods na rin sina Derek Ramsay at Anne Curtis. First time na magkaroon ng kategorya para sa mga may edad 38-50 na kung saan nagwagi ang ina ng young actor.

Kinuhang ageless endor­sers naman sina Ina Raymudo, Sunshine Cruz at Alice Dixson. First time yun na makita sa nasa­bing competition ng malapitan ang babaeng nagpalaki ng mag-isa sa kanyang anak na ngayon ay bahagi na ng showbiz sa ilalim ng Star Magic.

Kaya naman maganda rin ang pangangatawan ng baguhang si Tony. Malakas ang impluwensya kay Tony ng kanyang ina na malusog, confident at maganda ang pangangatawan sa gulang na 39.

 Daniel binaon sa limot si Erich

Mukha namang talagang naka-move on na si Daniel Matsunaga kay Erich Gonza-les. Tama lang ang pasya niya na huwag nang maurirat pa ang nakaraan nila ng aktres dahil pareho na silang tahimik at recovered.

Masaya na sila sa kani-kanilang buhay ng aktres at ang pag-iwas niya to dwell on their past ay bilang respeto na lamang sa bago niyang karelasyon na si Karolina Pisarek.

Pinag-uusapan na nila ang kasal nila at ang posibilidad na dito sila manirahan after the wedding.                                                                                                                                          

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with