^

Pang Movies

Arjo ayaw ng masyadong sikat na GF?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Arjo ayaw ng masyadong sikat na GF?!
Arjo Atayde

Naniniwala ang sikat na aktor na si Arjo Atayde na ang mga lalaki ay nararapat lang na gumamit din ng pabango, hindi lang ang mga babae. Para sa kanya raw, pag gumamit siya ng pabango, lalo’t pagkatapos niyang maligo, feel niya malinis na malinis at mabango siya.

Kaya naman walang duda na si Rhea Aniecioche-Tan, founder at owner ng Superbrand beauties, na nagpo-produced ng whitening soaps, lotion, facial, care kits, and other bleaching products ay nag-offer sa kanya na maging endorser ng kanyang company’s latest offering, ang The Origin Series, hindi naman nagdalawang isip si Arjo dito.

Nang nagawa na nila ang linya ng perfume, ayon kay Ms. Tan, na mayroong tatlong magkakaibang scents, agad nilang target market ay ang mga lalaki. Bawat perfurme scent daw is carefully crafted at inihalo sa imported oil from France.

They made sure rin na, dahil pang-lalaki nga, the scents is lightly at hindi matapang, para hindi maka-mantsa, lalo ng damit.

Wow, di kaya sa first taping day ni Arjo for his new series, The General’s Daughter marks the first time na maka-trabaho ni Arjo sina Angle Locsin, who reportedly is assigned the title role, and Maricel Soriano ay mabangung-mabango si Arjo?

Huling napanood si Arjo sa katatapos pa lamang na series, Hanggang Saan, where he had for his co-star no less than his real-life Mom, Sylvia Sanchez.

Dalawang Kapamilya actresses ang type niyang makatambal sa mga susunod pa niyang trabaho, ‘yan ay sina Julia Montes at Bea Alonzo na ayon sa kanya ay hindi lang basta maganda, kundi magagaling ding aktres.

Tinanong naming kung may balak ba siyang ligawan ang kahit sino kina Julia at Bea, natawa lang si Arjo. In real life nga naman kasi, in love siya to the max sa kanyang girlfriend na si Sammie Rimando, member ng grupong Girltrend.

Boto nga ba si Sylvia (Sanchez) na maging future manugang si Sammie?

Erich susugalan ang horror movie

Si Erich Gonzales ang bida at producer ng pelikulang kanyang ginagawa ng suspense thriller na We Will Not Die Tonight na idinirek ni Richard Somes.

Bida rin siya sa continoustly trending series na The Blood Sisters, kung saan gumaganap siya sa tatlong magkakaibang role. 

Jayson nagpapasalamat na sumikat

Twenty five years old pa lang si Jayson Gainza, nang sumali siya sa pinaka-unang Pinoy Big Bro­ther (PBB), ang reality show na nag-umpisa noong 2005 kung saan nagpasikat ng napakaraming artista ngayon.

Kagagaling lang daw niya ng Saudi Arabia, where he worked for two years. On vacation lang siya at nagbakasakaling may mapupuntahang higit na magandang buhay, ‘di lang para sa kanyang sarili, kung hindi sa kanyang pamilya, sa pamamagitan ng pagsali niya sa PBB.

Ang nanalo sa reality show na ito ay si Nene Tamayo na hindi naman gaanong sumikat matapos niyang manalo.

Now, he is considered an actor, a comedian and impersonator.

Madalas siyang mapanood sa Home Sweetie Home, with Toni Gonzaga, Ogie Alcasid at Piolo Pascual, among others. Sundays, part siya of the gag show, Banana Sundae.

He has appeared in several films na rin para sa Star Cine­ma.

In any case, what Jayson appreciates most sa kasalukuyang trabaho niya ngayon is that, ‘di na siya kailangang tumungo ng ibang bansa para kumita. As part ng local showbiz, nasusuportahan  niya ang kanyang pamilya.

Well, keep up the good work, Jayson.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with