^

Pang Movies

Singer/actress parang sinapian sa sobrang PR!

Jun Lalin - Pang-masa

Sa isa ng event kamakailan, lumapit ang isang singer/actress sa isang kilalang talent manager/columnist para magpa-picture.

In fairness, sobrang giliw ni singer/actress kay talent ma­nager/columnist at parang fan pa nga ang dating niya sa kapupuri sa huli.

After ng tsika-tsika nila, binalikan kami ni talent manager/columnist kung hindi raw ba plastika si singer/actress?

“Kasi naman, sa pictorial ni ____ (name ng isa sa ta­lents niya), ang tagal-tagal niya (singer/actress) doon, pero ni hindi siya bumati sa akin, ‘tapos ngayon nagpa-picture pa siya at parang type na type niya ako, ‘noh?!” sey ni talent manager/columnist.

Sabi naman namin, that time kasi, kaya hindi masyadong bumabati si singer/actress ay dahil medyo shy pa siya dahil nga baguhan pa lang siya.

Pero ngayon, panalo na sa pagiging ma-PR si singer/actress, huh!

Ruffa dusa sa page exercise at kadidiyeta!

Ang favorable response ng netizens sa pagpo-post ni Ruffa Gutierrez ng pagpapakahirap niya na mag-exercise para makapagpapayat.

More than 20lbs na ang nababawas sa timbang ni Ruffa at balak niya ay 10lbs pa ang ibawas.

Patuloy din sa pagda-diet si Ruffa.

Sabi pa niya, mahirap ang pag-e-exercise at pagda-diet, pero kailangan niyang pagtiyagahan para hindi siya malaking tingnan on screen.

Madalas, kahit may mga kaibigang ka-dinner si Ruffa, nagtitiis siya na huwag masyadong kumain. Madalas, salad lang siya!

Sheryl natapyasan ng taba sa hula hoop

Nagulat kami sa Instagram video ni Sheryl Cruz na ipinakita sa amin ng isang kaibigan.

Naghu-hula hoop si Sheryl sa video na ‘yon at ang galing-galing niya, huh!

Bukod sa galing mag-hula hoop, napansin din namin na ang laki na ng ipinayat ni Sheryl.

Nang dumalaw kasi kami noon sa taping ng Impostora, ang laki pa ni Sheryl, pero sa latest video nga na napanood namin, obvious na obvious na ang pagpayat niya. Mukhang malaki ang kinalaman ng paghu-hula hoop sa pagpayat ni Sheryl, ‘noh?!                                                                            

Guest daw kasi si Sheryl sa Ignite Dance Concert ni Regine Tolentino sa Sky Dome ng SM North EDSA sa May 26 at ‘yon daw ang pinaghahandaan ng aktres kaya siya nagpapapayat.

So, sa Triplets nila nina Tina Paner at Manilyn Reynes, ang huli na lang ang medyo malaki pa rin.

Dapat i-convince ni Sheryl si Manilyn na mag-hula hoop na rin, huh!

Solenn makikipagtagisan ng kaseksihan kay Lovi

Si Solenn Heussaff sa taping kahapon ng The One That Got Away.

Hindi basta dumalaw si Solenn sa kaibigang si Lovi Poe sa TOTGA taping. Kasali na rin sa nasa­bing romantic-comedy series ng Kapuso network si Solenn.

“In a very special role” pa lang ang sinasabi ng mga taga-GMA 7 tungkol sa participation ni Solenn sa TOTGA.

Si Lovi ang sobrang na-happy sa pagpasok ni Solenn sa TOTGA.

Ayon naman sa manager ni Solenn na si Leo Dominguez, hindi pa siya sure kung hanggang kailan tatagal sa TOTGA ang misis ni Nico Bolzico.

Direk Maryo inalala sa TOFARM

Ang pag-alala kahapon sa yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes sa press launch ng TOFARM Film Festival 2018.

Sabi ni Dr. Mila O. How na may brainchild sa nasabing advocacy-driven film festival, “We were deeply saddened with the demise of Direk Marjo, our first TFF Director. He gave so much of himself for TFF. When he suddenly lest us, we found ourselves at a crossroad. Should we go on with the project or not?

“But after a lot of thinking, I personally though it’s best to carry on what Direk Maryo started. The festival would be a continuation of his vision for the farmers and for our film industry. This is our tribute to him!”

Si Bibeth Orteza na ang TFF Director at si Direk Joey Romero naman ang TFF Managing Director.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with