^

Pang Movies

Bagong online talk show namin ni Ricky Lo at Gretchen kasado na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bagong online talk show namin ni Ricky Lo at Gretchen kasado na!

Ricky, Lolit at Gretchen

Tinanggap ko na ang offer na maging host ng online showbiz talk show na pagsasamahan namin ni Papa Ricky Lo.

Komportableng-komportable ako kay Papa Ricky dahil matagal kaming nagsama sa Startalk ng GMA 7 kaya hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang alok na mag-host kami ng isang online showbiz talk show na bago sa pandinig at karanasan ko.

Administrator ko sa Instagram account ko si Mama Salve dahil hindi ako techie kaya nagtanong muna ako tungkol sa mga online show para magkaroon ako ng idea sa mga magaganap.

May-I-accept ko ang alok dahil maganda naman ang explanation sa akin.

Hopefully, makakasama namin ni Papa Ricky sa online showbiz talk show si Gretchen Barretto. Excited ako na maka-work si Gretchen dahil may dahilan ako para harbatan siya bilang donya na ang kategorya niya ngayon.

Hindi naman baguhan si Gretchen dahil nagkaroon na siya noon ng talk show sa GMA 7. Naging co-host din siya ni German Moreno sa GMA Supershow.

Direk Maryo pararangalan sa to farm

Invited ako sa grand launch kahapon ng ToFarm Festival 2018 pero hindi ako nagpunta dahil may meeting kami ni Papa Ricky Lo sa mga produ ng online showbiz talk show.

May nagkuwento lang sa akin na tulad nang dati, bongga ang press launch ng ToFarm Festival na brainchild ni Dra. Mila O. How.

Sa venue pa lang, sos­yal ang press launch dahil ginanap ito sa Ballroom C ng Makati Shangri-La Hotel.

Opisyal na ipinakilala ni Dra. How si Bibeth Orteza bilang bagong festival director ng ToFarm na magsisimula sa September 12 at matatapos sa September 18.

Dahil si Bibeth ang festival director, hindi puwedeng umapir sa mga pelikula na kasali ang kanyang anak na si Rafa Siguion Reyna na may movie entry noong nakaraang taon, ang Baklad.

Mga festival adviser naman ang direktor na si Joey Romero at ang actress/director na si Laurice Guillen.

Hindi nakarating si Lauri ce da­hil posib­leng may taping pa siya para sa Ika-6 Na Utos, ang top rating afternoon drama series ng GMA 7 na magwawakas na.

Ang direktor na si Maryo J. delos Reyes ang festival director ng ToFarm Festival pero namatay siya noong January 27, 2018.

Kinikilala ni Dra. How ang malaking kontribusyon ni Kuya Maryo sa ToFarm Festival kaya magkakaroon ito ng  Maryo J. delos Reyes Special Award.

“We were deeply saddened with the demise of Direk Maryo J.delos Reyes, our first TFF director. He gave so much of himself for TFF. When he suddenly left us, we found ourselves at a crossroad. Should we go on with the project or not?” ang tanong ni Dra. How na nagdesisyon na ipagpatuloy ang film festival na sinimulan ni Kuya Maryo.

Nagpapasalamat si Dra. How sa suporta na natanggap niya mula kina Bibeth, Joey at Laurice dahil makakatiyak tayo na magiging successful ang 3rd ToFarm Festival.

A Tribute to Life: Parating Na, ang theme ng 3rd ToFarm Festival.

Pitong pelikula ang pipiliin bilang official entries at sa April 20 ang deadline of submission ng mga screenplay.

Bukod sa full length feature screenplay competition, magkakaroon ang ToFarm Festival ng short film competition.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with