^

Pang Movies

Anak ni Gary V. pinahiya, hindi pinarampa sa LA Fashion week

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak ni Gary V. pinahiya, hindi pinarampa sa LA Fashion week
Kiana

Nakatikim ng panghihiya sa LA Fashion Week ang only daughter nina Gary Valenciano and Angeli Pangilinan. Ito ay matapos umano siyang i-reject na rumampa ng kapwa Pinoy na designer.

“This is just going to make us tougher. What doesn’t kill you makes you stronger, ” sabi ni Kiana sa video post ng kanyang mommy Angeli sa Instagram kagabi.

Kasama umanong ipinahiya ng designer bukod kay Kiana sa opening show ng LA Fashion Week ang former Miss Earth na si Jamie Herrell kasama ang lima pang Filipino models.

 “No Filipinos allowed to walk on the ramp!” ang sabi raw ng organizer.

Ginawa raw ang panghihiya sa grupo ni Kiana sa harap maraming tao roon.

Tatlong designers diumano ang nandun at dalawa dun ay Pinoy, sina Rocky Gathercole and Resty Lagare na kapwa kilala sa fashion world.

Nasa bucket list umano ni Kiana ang makarampa sa LA Fa­shion Week. At kaya raw hindi ito aktibo sa showbiz ay dahil mas pinili nitong manahi at nag-aral pa ng short courses sa London para ipagpatuloy ang passion sa fashion dahil gustung-gusto raw nitong mag-drawing ng dresses and gowns simula nung bata pa siya. “This lady chose a sewing machine over more expensive, material presents as a must-have-gift as a teenager. To rob her of a dream-come-true opportunity was not nice at all. It was actually horrible,” ang naging pahayag pa ng kanyang Mommy Angeli na bago sila lumipad pa-LA ay sobrang excited siya.

Marami namang hindi makapaniwala na nangyari ito sa anak ni Gary V. na nandun si Ms. Angeli na kilalang laging palaban.

vuukle comment

KIANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with