^

Pang Movies

Donny kakaiba ang showbiz credential!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Donny kakaiba ang showbiz credential!

Donny Pangilinan

Aware pala si Donny Pangilinan, who is 20, na among the 13 newest faces ng 2018 Star Magic Circle, siya ang may pinaka-improve na showbiz credential.

Yes, showbiz royalty na maituturing ang karamihan sa immediate members ng kanyang family. Si Maricel Laxa ang mother ni Donny na ang ama ay si Tony Ferrer na kilalang action star ng kanyang panahon. Ang ina naman ni Maricel ay si Imelda Ila­nan, isa sa may pinakamagandang mukhang artista ng kanyang panahon din.

Naging paboritong leading lady si Imelda, bukod kay Tony, nina Fernando Poe, Jr., at ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Tahimik na namumuhay ngayon si Imelda kasama ang kanyang husband na related naman kay Nini Avenceña, daughter of the late President Manuel Quezon.

Tony, on the other hand, according to Donny himself, still looks good. Thanks to his constant workout, hanggang ngayon.

Ikinasal si Tony sa dating beauty queen na si Alice Cri­sostomo, with whom he has two kids, one of whom Mutya Crisostomo,  nag-aartista rin dati at ngayon ay exe­cutive na ng isang top local company.

Kapatid ni Tony ang nasirang si Atty. Espiridion Laxa, may-ari ng isa sa pinaka-successful film firm noong Martial Law, Tagalog Ilang-Ilang Pictures.

More on Donny, ang kanyang ama ay isang motivation speaker, si Anthony Pangilinan, na nakababatang kapatid nina Senator Kiko Pangilinan at Angeli Valenciano, better-half ng top singer na si Gary Valenciano.

Inglisero to the max si Donny dahil nag-aral siya sa isang kilalang international school. Isa na siyang regular VJ ng  MYX, ABS-CBN’s music channel.

Mapapanood naman ang young actor ng first time sa pelikulang Walwal, na ipo-produce ng Regal Entertainment at ididirek ni Joey Reyes.

Donny is currently being groomed para maging ka-love team ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Kisses Delavin, 18.

Leila gustong makasama sa pelikula si Ogie

Sa presscon ng Star Magic Circle Circa 2018, kinailangang umalis kaagad si Leila Alcasid, anak ng top singer and TV host na si Ogie Alcasid.

Leila had to leave the same day (Sunday, March 11) for Sydney, Australia. Birthday daw kasi ng mommy niya, ang former beauty queen na si Michelle Van Eimeren sa March 17.

So far, so good, ayon kay Leila ang current journey niya sa showbiz. Finally ay released na ang kanyang current single na Completely In Love With You.

Kaya, maituturing somehow na ‘sealed’ na ang future niya bilang singer.

Leila’s dream is to be able to do a film with her dad. At sa aspect na ito, tiyak ni Leila na matutulungan siya ng Star Magic.

Paulo tatlong taon nang ‘di kumakain ng karne

Do you know that for three years now, Paulo Avelino has not eaten meat? 

Konti na lang din siya kung kumain ng carbs. Ito raw ang dahilan kung bakit med­yo trim siya these days. Araw-araw din siya kung mag-exercise.

One of the busiest actors of the Kapamil­ya talents, nagpapasalamat si Paulo sa mga nagaganap sa kanyang showbiz careers.

Leading man siya nina Julia Montes and Shaina Magdayao sa trending series na Asintado, na tinatampukan din nina Aljur Abrenica, Lorna Tolentino, Agot Isidro, Noni Buencamino at Cherry Pie Picache, among others.

Nagsimula na rin siya sa Star Cinema movie na Kasal, na tinatampukan din nina Bea Alonzo at Derek Ramsay.

He can hardly wait na mai-release na ang pelikulang Goyo, which is about the supreme hero of Tirad Pass, Gregorio del Pilar.

Siya ang gumaganap na Goyo sa nasabing pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with