^

Pang Movies

Geoff hindi pa handa sa kasal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Geoff hindi pa handa sa kasal

Geoff Eigenmann

Para kay Geoff Eigenmann, 360 degrees turn ang pagkakaroon na niya ng baby girl, si Arabella Simone o si Beeni, nila ng girlfriend na singer si Maya. Six months old na si Beeni at ito raw ang best thing na nangyari sa buhay nila.

“I won’t change her with anything in this world,” say ni Geoff. “I’m feeling old na having a baby now that I will turn 35 na on March 23. But happy kami ni Maya, kontento sa nangyari sa amin.

“Napag-uusapan na namin ang kasal, pero hindi pa ngayon. Kaila­ngan naming paghandaan dahil sa ngayon nasa period pa kami ng adjustments, may mga pinagdadaanan pa rin kami pero nagkakaintindihan kami sa isa’t isa.

“But marunong na akong magpalit ng diaper, noong nasa hospital pa kami, nagpaturo pa ako sa nurse kung paano magpalit ng diaper. Nagbi-breast feed si Maya at gusto naming after a year pa siya bumalik sa singing.”

Walang contract sa anumang network si Geoff, at ngayon ay nasa GMA muli siya.

“May ini-offer sa akin sa Channel 2 na project pero medyo matagal pa ang preparation nila tamang-tamang dumating naman itong offer ng GMA at tinanggap namin ng management ko.

“I’m thankful na we will work again together ni Glaiza de Castro sa Contessa. I will play the role of Gabriel Caballero, a self-made man and successful OFW pero babalik ako ng bansa nang malaman kong pinatay ang kapatid kong si Marco (Mark Herras) na asawa ni Bea (Glaiza).”

Aicelle may farewell show

It seems everybody is happy for Aicelle Santos at isa nga si Lea Salonga, ang international actress at Broadway Tony winner na siyang unang gumanap na Kim sa Miss Saigon sa West End in 1989.  Shout out ni Lea sa Twitter na “Aicelle Santos, now is your time,” nang lumabas ang balitang siya ang napiling Gigi Van Tranh sa Miss Saigon UK tour.

May farewell show si Aicelle bago tumulak papuntang London, ang Aicelle Santos Live in Book and Borders Cafe, Eastwood, Quezon City on Friday, March 17, 2018, 8:00 PM.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with