^

Pang Movies

Lauren muntik magkasakit sa katabaan!

Jun Lalin - Pang-masa
Lauren muntik magkasakit sa katabaan!

Lauren Young

Si Lauren Young sa presscon ng Contessa, ang bagong afternoon series ng GMA 7 na papalit sa Ika-6 Na Utos at magsisimulang umere sa March 19.

In fairness, lumiliit na uli si Lauren.

Nagkaroon ng health problem last year si Lauren dahil sa unwanted weight gain at inamin niyang nahirapan siyang magbawas ng timbang.

Sinabihan daw si Lauren ng kanyang doktor na at risk siya for diabetes kaya nagpaka-healthy siya!

Nagdulot pa nga ng bulging disc ang kanyang pagtaba kaya naka-experience siya ng pananakit ng likod, pero nalampasan na raw niya ang bagay na ‘yon.

Nang lapitan nga kami ni Lauren para batiin, napansin kaagad namin ang kanyang pagpayat.

Nag-diet at nag-workout ang younger sister ni Megan Young kaya healthy na uli siya ngayon at balik-trabaho na rin sa Kapuso network.

Samantala, malaking challenge kay Lauren ang Contessa dahil kontrabida ni Glaiza de Castro ang kanyang role na isa sa dahilan kaya magiging miserable ang buhay ng bida ng bagong afternoon series.

Sinamahan nga pala si Lauren ng manager niyang si Pia Magalona sa presscon ng Contessa.

In fairness, kahit ex-boyfriend ni Lauren ang anak ni Pia na si Elmo Magalona, maganda ang relasyon nilang dalawa bilang talent at manager!

Sam hinindian agad si Angelica

May mga umaasa pala na hindi lang sana hanggang sa pagiging friends at business partners ang relasyon nina Angelica Panganiban at Sam Milby.

May mga nagsasabing sana ay magkaroon ng romantic involvement ang dalawa.

Magkasosyo sa isang production company sina Angelica at Sam (pati si John Prats) at may mga nagsasabing mas madali silang made-develop dahil mas madalas silang nagkakasama at nagkakausap. Pero nauna nang sinabi ni Sam na hindi pa siya handa para sa isang bagong relasyon.        

KZ susubok sa Big Dome

Nagpapasalamat si KZ Tandingan sa suporta ng mga kapwa niya Pinoy sa pagsali niya sa Singer 2018 sa China.

Sana rin daw ay ipagdasal pa ang kanyang tagumpay sa contest na ‘yon.

Kahit sumisikat ngayon sa China si KZ dahil nga sa pagsali niya sa Singer 2018, hindi naman niya pinababayaan ang career niya rito sa Pilipinas.

May solo concert si KZ na gagawin sa Smart Araneta Coliseum, pero hindi pa raw niya alam kung sinu-sino ang mga magge-guest dahil inaayos pa ang tungkol doon.

Magkakaroon na lang daw ng solo presscon para i-announce ang tungkol sa first major solo concert ni KZ at the big dome!

Sa presscon pa rin ng Cornerstone para ihayag ang ilang concerts ng mga talent nila, halatang nagulat ang head nilang si Erickson Raymundo nang tanungin kung totoo bang siya na ang papalit kay Mr. M (Johnny Manahan) bilang head ng Star Magic, ang talent management department ng ABS-CBN.

Sabi ni Erikson, walang katotohanan ‘yon.

Masaya at busy na raw siya sa Cornerstone pati na rin sa Spring Films.

So, mali ang tsikang ‘yon!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with