^

Pang Movies

Sam gusto na ring mag-asawa!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

It’s just right na hangarin ni Sam Milby na ang babaeng kanyang susunod na iibigin ay ang siya nang makakatuluyan. At 33, Sam thinks, he’s ready for marriage. Both professionally and personally. Plus emotionally, of course.

Sayang nga at nag-break sila ng kanyang immediate girlfriend na si Mari Jasmine. At mismong si Sam ang nagsabing malabo na silang magkabalikan dahil si Mari mismo ang nakipaghiwalay.

In his younger days, naging girlfriend ni Sam si Anne Curtis na happily married na ngayon kay Erwan Heussaff, younger and only brother ng aktres din na si Solenn Heusaff.

Well, Sam’s friends themselves are hoping he finally gets himself the ‘right girl’ next time. The way it looks, they agree, Sam will make a good husband.

Meanwhile, ayon sa leading lady ni Sam sa upcoming movie ng Viva Films at Idea First Company na si Yassi Pressman, walang attempt on Sam’s part na ligawan siya habang sila ay nasa shooting. Although sa presscon ng Ang Pambansang Third Wheel, nagpahaging si Sam na matagal na siyang may crush kay Yassi.

But obviously, getting involved in a romance his farthest from Yassi’s mind at the moment. Lalo’t sunud-sunod ang kanyang blessing.

Sa FPJ’s Ang Probinsyano, halos sa kanya nakasentro sa kasalukuyan ang istorya ng action series. Dahil sa matinding pagseselos ni Cardo (Cardo Martin), sa kakaibang atensiyon na ibinibigay kay Alyanna (Yassi) ng kanyang big boss, na pinapapel ni JC Santos.

JC bagong VJ naman ng Myx

Samantala, malapit nang mapanood sa MYX ang music channel ng ABS-CBN si JC bilang VJ.

A theater actor, wala yatang anything na may kinalaman sa performance na ‘di susubukan ni JC. Hindi ba’t recording star na rin siya at balitang ang Star Music ang siyang nag-release ng kanyang unang album.

Sofia walang bff sa showbiz

Unlike most of her fellow young Kapamilya na ang itinuturing na best friends ay mga kaibigan at kasamahan sa trabaho, si Sofia Andres daw ay mas partial sa kanyang kapatid na si Lara at pinsan na si Pam.

Nasasabi raw niya sa dalawa ang lahat ng kanyang thoughts at problema. Kahit nga raw busy siya ay lagi niyang hinahanapan ng oras ang bonding nila.

Of course, both Lara and Pam share the joy and fulfillment na nararamdaman ni Sofia sa kasalukuyan, dala nga sa magandang takbo ng kanyang showbiz career. After all nga naman, pagkatapos ng seryeng Pusong Ligaw where she shared star billing with Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon and, of course, Diego Loyzaga, na talagang pinanood hanggang sa huli ng viewers, nasundan ito ng magagandang reviews na kayang natanggap, sa maganda niyang performance sa pelikulang Mama’s Girl, kung saan ang gumanap na kanyang ina ay si Sylvia Sanchez.

A Regal Entertainment presentation, Mama’s Girl also did well sa box office.

Right now, of course, bagong experience para kay Sofia ang mapasama sa considered na most ambitious series ever to hit television, ang Bagani na directed by Richard Arellano at Lester Pimentel.

With Bagani raw, natupad ang pangarap ni Sofia na magkaroon ng action role. A Star Creative production for ABS-CBN, Sofia’s co-stars in Bagani include Liza Soberano, Enrique Gil, Matteo Guidicelli, Makisig Morales and Enzo Pineda, among others.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with