^

Pang Movies

Starlet parang uling ang kuyukot!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Kawawa naman ang isang ka-friendship in showbiz na kung tutuusin ay okay naman ang takbo ng pamumuhay. Hindi man siya aktibo sa showbiz, tuloy ang buhay lalo na’t napakalapit niya sa Panginoong Diyos. Naglilingkod siya sa isang Catholic Church as musical ministry head. Pero ang problema niya ay pang-pamilya.

Maraming nagmamahal sa kanya na hindi niya kadugo, pero ‘yung pagmamahal na kailangan niya sa pamilya ang wala. Nais namin siyang paalalahanan na God is good! Hindi siya susubukan kung hindi niya kaya. Life must go on!

Life must go on din sa young female starlet na parang nagbebenta ng kung ano dahil sa hilig niya sa pagsusuot ng pekpek short, e kulay ube naman ang singit!

Pati ang kuyukot ay mala-uling sa itim! At kung makipag-usap siya sa kanyang kasama ay pagkalakas-lakas ng boses na animoy papansin baga!

Naku ineng, kudkod din ng singit at kuyokot ‘pag may time noh! Hmmpt kalokah!

RS tutuparin ang pangarap sa idols

Finally, natupad din ‘yung gusto kong makita in person, ang controversial stage actor na naging Best Actor sa Star Awards for Movies 2018, walang iba kung hindi si RS Francisco (RF) na napansin sa kanyang performance sa Bhoy Intsik.

Nang mapanood ko sa screening series ang best performers ng Star Awards, sa una ay tumaas ang kilay ko at lalo sa deliberation day, malakas kasi ang pangalan ni RS, puro puri ang hugot ng karamihan. Sa bagay nang mapanood ko ang said movie niya e, natameme ako, pero ‘di ko siya type na maging Best Actor dahil matindi rin ang performances nina Dingdong Dantes, Aga Muhlach, Coco Martin at iba pa.

E, puro magagaling silang nominees, but shocked ako kay RS, aminado ako, may ibubuga ang tinamaan ng kulog na ito.

Heto nga na-meet ko in person si RS thru the invitation of Lester Cadog, the man behind Bhoy Intsik at ang production ng said movie at ng movie career ni RS.

Take note, sisimulan ni Lester and his producer ang limang movies at ang first to be filmed ay isang movie na bida si RS, at ang shocking dito ay puro premyadong artista ang makakasama ni RS gaya nina Pen Medina, Sylvia Sanches, Odette Khan at iba pa. Ang title ng project ay Misteryo Dela Noche. Posibleng isa sa gagawing pelikula ay ang pagsasamahan nina Vilma Santos at Nora Aunor. Ito pala ang dream ni RS e, a movie with his lodis (idols). Pero may problema lang, may pakiusap si RS sa producer, na huwag muna silang mag-shoot this coming Holy Week. Gusto muna niyang magbalik sa teatro dahil dito siya nagsimulang matutong umarte.

Isa pang ikinahanga ko kay RS ay ang pagiging totoong tao. Isa siyang tsuppatid! No battling an eyelash, na saksakan ng lantik. Nang matapos na ang intervew, nagbabu ako sabay sabi ng “goodluck, tsuppatid!”

Sa totoo lang kaya ako parang walking in cloud nine dahil nalaman ko na si RS pala ay anak ng aktor na si Rudy Francisco, isa sa makikisig na artista ng Sampaguita Pictures at bunsong kapatid ng matinee idol ni Fred Montilla.

Pareho ko silang idolo at isa ako sa mga hinahabol ng security guard na si Bart Olivar tuwing Thursday afternoon. Sumasampa kami sa bakod ‘pag nakalingat si Bart at tumatakbo kami papuntang kantina sa Sampaguita office.

Minsan naman kasama ng ibang fans, pumupunta kami sa bahay nina Fred at Rudy sa Banahaw Street, Cubao (Q.C) na malapit sa apartment ni Niño Muhlach. Nostalgia ito, okay lang, ang saya ‘di ba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with