^

Pang Movies

Alden nasungkit ang pagiging Darling…

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Alden nasungkit ang pagiging Darling�

Alden

Pitong loveable showbiz personalities (male) ang nagtunggali para sa special awards sa darating na 34th Star Awards for Movies 2017 ng Philippine Movie Press Club (PMPC), ang Darling of the Press.

Ilang taon na rin itong ginagawa ng PMPC. Ilan sa mga naging awardee nito ay sina KC Conception, Anne Curtis, Vicky Morales, Judy Ann Santos, Robin Padilla, PAO Chief Percida Acosta, Mano­ling Morato, Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez, at nito lamang nakaraang taon ay si Luis Manzano naman ang tumanggap nito.

Yes, seven showbiz personalities ang naglaban-laban at ito ay sina Enchong Dee, Alden Richard, Ian Veneracion, Bulacan Vice Gov. Daniel Fer­nando at dalawa pa. Puro malalakas ang hugot nila, ibig sabihin, maganda ang relasyon nila sa movie press people. Kaya lang, si Alden ang malakas sinasabing Darling of the Press 2018!

Sa February 18, Linggo, 7pm ang 34th PMPC Star Awards 2018 sa pamumuno ni Joe Barrameda, gaganapin ang gabi ng parangal sa Resort World Manila.

Produced ito ng Airtime Maketing Inc. ni Tessie Celestino Howard and Jun Howard. Magsisilbi naman host sina Kim Chiu, Enchong Dee at Iza Calzado. Kabilang sa mga magpe-perform ay sina Jona Viray, Hashtags, Darren Espanto at Mark Bautista. Bibigyan ng special tribute ang yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes.

It’s a date on Sunday February 18, 8:00pm!

Gwapong young actor napapakamot sa betlog ‘pag nagkakamali sa dialogue!

Kamot betlog ang poging bagets actor sa tuwing nagkakamali siya sa dialogue niya sa isang daytime series sa isang network. Dati itong child actor na ngayon ay very handsome. Kaya lang, parang mahina at maiksi ang memorya niya sa script. May mannerism siya na kapag nagkakamali ay nahahawakan niya ang kanyang harapan sa may ziper, sa may bandang betlog.

Sana ay maging aware si young actor na hindi maganda tingnan ang ginagawa niya ine-enjoy naman ng ilang tsuppatid. Well, alam niyo na ang dahilan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with