^

Pang Movies

Kathryn sa Amerika magbi-birthday kapiling si Daniel

Jun Lalin - Pang-masa
Kathryn sa Amerika magbi-birthday kapiling si Daniel
Daniel at Kathryn

Last two weeks na simula mamayang gabi ng La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Richard Gutierrez.

Marami pang mga pasabog ang nasabing fantaserye, kaya reserved ang halos araw-araw ng major cast para sa taping.

Halos mag-aaraw-araw na ang taping ng La Luna Sangre dahil puro big scenes ang kinukunan nila.

Pagkatapos ng La Luna Sangre sa March 2, ang panganganak ng lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati na ang tututukan ni Richard.

Ang KathNiel loveteam naman, pupunta ng Amerika dahil may series of shows sila roon.

Aabutin na sila roon ng birthday ni Kathryn sa March 26. Magtu-22 years old na ang rumored-girlfriend ni Daniel.

Pagbalik daw ng bansa, ang bagong pelikula nila sa Star Cinema ang aasikasuhin ng dalawa.

Kahit nagpapagaling pa, Vice hindi pinalampas ang #paMORE

Ang text message sa amin kahapon ni Ogie Alcasid kaugnay ng matagumpay na #paMORE MOA Arena concert nila nina Regine Velasquez-Alcasid, Erik Santos, at Martin Nievera noong Saturday.

“We are so happy and blessed about the success of #paMORE. Thank you so much to all who came and watched. Praying that our schedules permits a repeat.”

Sobrang dami nga kasi ang nagre-request na mag-repeat ang #paMORE.

Samantala, touched si Martin kina Ogie, Regine, at Erik dahil sa ginawang pag-acknowledge ng tatlo sa kanya at sinabing it was him who started talaga a live concert in big venues.

Ni-request pa ni Ogie na bigyan ng standing ovation si Martin, na ginawa naman ng mga tao sa MOA Arena.

Wala sa script ng #paMORE ang bagay na ‘yon!

Kahit hindi pa masyadong magaling dahil sa isang operasyon, hindi pa rin pinalampas ni Vice Ganda ang panonood ng #paMORE.

Touched sina Martin, Ogie, Regine, at Erik sa ginawang ‘yon ni Vice.

Samantala, hindi dapat gawan ng intriga ang biruan nina Regine at Erik sa #paMORE pagkatapos batiin ng huli ang Kapamilya stars na nagpunta sa MOA Arena para suportahan ang kanilang concert.

Nagbiro kasi si Regine na parang siya lang ang taga-Channel 7 doon.

Eh, ang sagot kasi ni Erik kay Regine ay malay daw ng Asia’s Songbird at baka malapit na ang ibig sabihin at baka lumipat na rin siya sa Kapamilya network katulad ng mister niyang si Ogie, pero sinabi naman ‘yon ni Regine na hindi at okey naman daw siya.

Nagbiro rin si Regine na malaki ang bayad niya sa Kapuso network.

Tawanan naman ang mga tao sa MOA Arena dahil alam naman nila na biruan lang ‘yon at hindi dapat seryosohin.

Si Regine naman kasi, nagagawa niyang magbiro sa mga ganoong bagay at dahil kilala na siya ng mga tao, siguradong hindi na siya maiintriga pa!

Kris at mga anak, sa Beverly Hills nagbabakasyon

May nakapagkuwento sa amin na nakita niyang dumating sa Los Angeles, California last Saturday (Sunday sa Pilipnas) si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

May nakakita rin kay Kris sa Beverly Hills. Sa lugar na ‘yon daw mag-i-stay ng isang linggo ang mag-iina.

Birthday get-away ni Kris ang pagpunta niya ng L.A.

Nag-post si Kris sa kanyang Instagram habang sakay silang mag-iina ng Philippine Airline plane, pero hindi naman niya nilinaw kung saan ang punta nila.

May na-post din siya na, “I wanted to totally disconnect this weekend” pero hindi niya naiwasang magpasalamat sa isang nag-comment sa post niyang ‘yon dahil deserved no’n ang thank you for inspiring her daw to continue being her.

Sabi pa niya sa nag-message, “Thank you for the affection, affirmation, and APPRECIATION!”

Bale 47 years old na si Kris sa Wednesday.

vuukle comment

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with