^

Pang Movies

Megan nangitim sa Maldives

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Blessing para kay AiAi delas Alas ang malakas na pagbuhos ng ulan habang nagaganap ang grand presscon ng Our Mighty Yaya sa Valencia Events Place noong Miyerkules ng gabi.

Kahit tapos na ang presscon, hindi agad umalis ang entertainment press dahil afraid sila na maka-encounter ng baha sa mga kalye.

Mother’s Day Presentation ng Regal Entertainment Inc. ang Our Mighty Yaya pero tribute rin ito sa mga yaya na itinuturing na pangalawang ina ng mga alaga nila.

Naranasan ni AiAi na magkaroon ng yaya noong 15-years old pa lamang siya at hanggang ngayon, kasama pa rin ng kanyang pamilya ang yaya na tinatawag nila na “Angel.”

Ang pagkakaiba lang, ang adoptive mother niya na may edad na at hindi na si AiAi ang ina­asikaso ng kanyang mighty yaya.

Co-star ni AiAi sa Our Mighty Yaya si Miss World 2013 Megan Young.

Walang maikuwento si Megan tungkol sa karanasan niya sa mga yaya dahil hindi siya lumaki sa piling ng yaya.

Mestiza si Megan pero morenang-morena siya nang umapir sa presscon ng Our Mighty Yaya dahil sa grand vacation nila sa Maldives ng kanyang boyfriend na si Mikael Daez.

Laugh nang laugh si Megan sa pralala ni AiAi na parang nakaharap ito sa salamin kapag magkasama sila.

Feeling beauty queen din si AiAi na puring-puri ang napakaganda na ugali ni Megan dahil wala itong kayabang-yabang sa katawan, kahit international beauty queen siya.

Girl na girl ang reaksyon ni AiAi nang sabihin ni Megan na kung sumali siya sa mga beauty contest, tiyak na winner ang kanyang beauty.

Queen pa rin si AiAi kahit walang beauty title dahil siya ang Comedy Queen ng Pilipinas.

Mother Lily may bagong Regal babies

Present sa presscon ng Our Might Yaya ang mga bagong Regal baby ni Mother Lily Monteverde.

Pumirma ng kontrata ang mga bagets noong Miyerkules at bibigyan sila ng Regal Entertainment Inc. ng mga project.

Kasama sa mga pumirma ng kontrata si Akihiro Blanco na dating talent ng TV5. Kamag-anak si Akihiro ng aktor na si James Blanco.

Mayor Erap namigay ng cellphone nu’ng birthday

Paulit-ulit na sinabi ni Manila City Mayor Joseph Estrada na si Dra. Loi Ejercito ang kanyang one and only wife.

Very true ang statement ni Papa Erap nagkaroon man ng kaugnayan sa ibang babae, si Mama Loi lamang ang pinakasalan niya.

Isang dakilang babae at ina si Mama Loi kaya mahal na mahal siya ni Papa Erap at ng kanilang mga anak.

Ang favorite daughter ni Mayor Erap ang punong abala sa ginanap na 80th birthday bash ni Papa Erap at siya ang nangu­na sa pag-iistima sa mga bisita sa 80th birthday party ng alkalde ng Maynila noong Miyerkules.

Who’s who sa pulitika, showbiz at society ang mga bisita ni Papa Erap.

Lahat ng mga dumalo, nakatanggap ng giveaways, mga Erap cellphone lang naman kaya maligaya na umuwi ang mga bisita.

Nangyari ang wish ni Papa Erap na maging gabi ng re­conciliation ang birthday celebration niya sa Manila Hotel.

vuukle comment

MALDIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with