^

Pang Movies

Female personality, isinuko ang ATM sa kaibigan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mabilis na nagdesisyon ang isang malapit sa female showbiz personality na kunin ang ATM card nito.

In love na in love ang female showbiz persona­lity sa kanyang jobless boyfriend.

Afraid ang malapit sa female showbiz persona­lity na baka maubos ang savings nito sa boyfriend kaya siya ang nag-iingat sa ATM card.

Alam ng female showbiz personality ang kanyang kapasidad sa paghawak ng datung kaya may-I-give niya ang ATM card sa tao na concerned sa future niya.

Pumayag din ang female showbiz personality sa kasunduan na bibigyan na lamang ito ng monthly allowance ng tao na pinagkatiwalaan niya ng kanyang ATM card at kung sakaling may emergency expenses, hihingi na lang siya ng additional datung.

Girlie Sevilla may bagong career na

Manager na ng isang coffee shop na malapit sa Malacañang Palace ang bagong career ni Girlie Sevilla.

The who si Girlie? Siya ang anak ng Violet Films producer na si Madame Violet Sevilla na sinubukan ang showbiz noong 2005.

Napanood si Girlie sa original Encantadia at ginampanan niya nag karakter ni Gurna, ang confidante ni Pirena na binigyang buhay ni Sunshine Dizon.

Matagal nang nag-quit sa showbiz si Girlie pero may isang anak sila ni Marky Lopez. Hindi humantong sa kasalan ang relasyon nina Girlie at Marky na nakilala niya sa set ng Encantadia dahil naghiwalay sila.

Tahimik na ngayon ang buhay ni Girlie at ng kanyang madir na si Madame Violet na huminto na rin sa pagpo-produce ng pelikula. Ang Magnifico ang isa sa mga hindi makakalimutan na movie project ni Madam Violet dahil award-winning ang pelikula na pinagbidahan nina Jiro Manio at Lorna Tolentino.

Kiko marami pang oras para bumawi sa mga reporter na naangasan

Naniniwala ako na mabait na bata si Kiko Estrada at posibleng misunderstood lamang siya ng press kaya mayabang ang tingin sa kanya.

Starring si Kiko sa Pwera Usog, ang horror movie ng Regal Entertainment, Inc. na showing sa mga sinehan sa March 8.

Maangas ang impression kay Kiko ng mga reporter na nakausap niya noon sa presscon ng Pwera Usog.

Hindi pa huli ang lahat para patunayan ni Kiko na nagkamali ang press ng pagkakakilala sa kanya.

Anytime, puwedeng hingin ni Kiko ang payo at tulong ng kanyang tatay na si Gary Estrada na super ganda ng PR at kaibigan ang maraming mga reporter.

Hindi dapat kaligtaan na may Ejercito blood si Kiko dahil apo siya ng nasirang aktor na si George Estregan na kapatid ni Manila City Mayor Joseph Estrada na tatay nina ex-Senator Jinggoy, Jude, at Jackie na pare-parehong maganda ang PR, mahusay ma­kisama kaya mahal ng masa.

Malay natin, namana ni Kiko ang pagiging prangka na ugali ni Papa Erap na what you see is what you get pero malambot ang puso sa mga nangangailangan ng tulong.

Hindi naman kasalanan kung bibig­yan si Kiko ng second chance ng entertainment press na na-turn off sa kanya sa presscon ng Pwera Usog.

vuukle comment

ATM CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with