^

Pang Movies

Bagong ilong ng aktres pinagpipiyestahan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Jun Nardo - Pang-masa

Nainggit daw ang isang aktres sa isa sa kanyang co-stars sa ginagawang movie. Maganda raw ang features nito lalo na ang hugis ng ilong niya.

Maayos naman ang ilong ng aktres. Pero gusto niyang matalbugan ang ilong ng co-actress. Kaya nang magkaroon ng mahabang araw na pahinga, hayun, pumunta siya sa isang sikat na doctor at pinaayos ang kanyang ilong, huh!

‘Yun nga lang, sa mga post ng aktres sa kanyang Instagram account, halatang nabago ang kanyang ilong. Kasi naman, hindi niya binura ‘yung ilang luma niyang pics sa IG nu’ng hindi pa siya nagpaparetoke, huh!

So sa halip na tumanggap ng papuri ang aktres, panlalait habang nakatalikod ang nagmumula sa mga kakilala, huh!

Mga anak ni Mayor Herbert, ‘di na maawat sa showbiz

Kung si Mayor Herbert Bautista ang masusunod, ayaw niyang sundan ng mga anak niya ang pagigiging artista at politician niya.

Pero wala siyang nagawa nang sabihin ng dalawang anak na lalaki, sina Race at Harvey na gusto nilang mag-artista.

Si Race ay nag-aaral ng filmmaking sa New York Film Academy.

Si Harvey naman ay artista na at nagsimula siya sa show na Goin’ Bulilit. Ngayon, pinasok na rin ni Harvey ang movies. Introducing siya sa horror movie na Ilawod na dinirek ni Dan Villegas.

Eh sa totoo lang, hindi niya kailangang kumbinsihin ang mga magulang upang payagan siyang maging bahagi ng unang movie.

Thirteen years old na si Harvey. Pero nakakuha na siya ng acting award bilang Best Comedy Performer sa 2015 Star Awards for Television, huh! No wonder, hangang-hanga sa kanyang galing ang producer na si Atty. Joji Alonso at Direk Dan.

‘Yun nga lang, komo guwaping, wala sa showbiz ang mga crush niya. Mas gusto raw niya ‘yung non-showbiz. Patay ang mga teen actresses na tipelya si Harvey, huh!

vuukle comment

MAYOR HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with