^

Pang Movies

Super proud pa Mariel ibinalandra ang pag-inject sa kanya ni Robin sa puwet

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Katuwa ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez habang nasa Amsterdam. Komo buntis si Mariel, si Robin ang nag-aalaga sa kanya. Mahirap nga namang makunan uli, huh!

Sa latest post ni Mariel sa Instagram, buong pagmamalaki niyang pinost na si Robin ang gumagawa ng injections sa kanya. Nakahiga siya sa picture habang tinuturukan siya ng injection ng asawa na parang sa puwet, huh!

Doc Babe ang tawag ni Mariel kay Robin at twice a day ang injection sa kanya pero literal na injection, huh! He! He! He!

Eugene semi-retired na sa paggawa ng pelikula

Mas piniling gawin ni Eugene Domingo ang isang short film kesa full length or indie film base sa report na a­ming nakita.

Semi-retired na si Uge sa paggawa ng movies although nagpahaging na siya noon na gagawa ng pelikula pero walang nabanggit kung indie o mainstream ‘yon.

Nag-focus na kasi ang komendyana sa TV. Tutal naman, maayos naman ang ratings ng Dear Uge niya sa GMA. Nakakapanghinayang dahil iilan na lang ang magaling na babaeng komedyante, ‘di ba?

Jak sa paglilinis ng mga puntod nagkakapera noon

Batak na ang katawan sa trabaho ng Kapuso actor na si Jak Roberto nu’ng bata pa siya. Habang nag-aaral siya noon, naghahanap na siya ng pagkakakitaan para makatulong sa kanyang pangangailangan.

Pero ang isang nakatutuwang experience niya sa pagtatrabaho ay nangyari nu’ng bata pa siya. Kasama ang mga ilang pinsan at kalaro, naisipan nilang mag-sideline bilang tagalinis ng puntod sa sementeryo. Pero puntod naman ‘yun ng kanilang mga kamag-anak kung saan nililinis nila ang mga lapida at tanggalin ang basura sa paligid nito.

“Kikita na kami ng halagang P100 at masayang-masaya na ako roon. Konti lang naman ang kinukuha ko dahil mga kendi lang ang gusto ko noon. Tapos ibibigay ko ang sobra sa magulang ko,” paglalahad ni Jak.

Bahagi ng magtatapos na GMA afternoon drama na Hanggang Makita Kang Muli si Jak. Isa siya ngayon sa Kapuso hunk na walang keber sa pagpapakita niya nga mga “pandesal” niya sa katawan, huh!

vuukle comment

GENERAL SERVICES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with