^

Pang Movies

Pia bumisita sa Ecuador para tulungan ang mga biktima ng sakuna

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kasalukuyang nasa bansang Ecuador ang reigning Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach dahil meron siyang relief effort doon.

Tinamaan ng tatlong malalakas na lindol ang naturang South American country noong nakaraang April at nitong May lamang.

Tutulong si Pia sa pamamagitan ng Miss Universe Organization para maka-raise ng funds para sa mga kabataan na naapektuhan ng sakuna sa naturang bansa.

Isa nga sa mga advocacy ni Pia ay ang makatulong sa mara­ming kabataan sa buong mundo. Dito sa Pilipinas ay pinamunuan niya ang ilang charities para sa kabataan tulad na lang ng Smile Train Philippines.

Aktibo rin si Pia sa HIV/AIDS awareness campaign kunsaan tumutulong siya sa pag-educate sa mga kabataan tungkol sa sakit na ito.

Heto ang pinost ni Pia sa kanyang Instagram pagdating niya ng Ecuador:

“Besos Ecuador!! Finally in Machala now Arrived in Guaya­quil this morning then straight to their Red Cross center to see the relief effort situation. We will also be having a fundraiser tonight “Casita De Mis Suenos” where proceeds to go the Ecuadorian children. AND! Machala Parade tomorrow! I cannot wait to meet you all!  Stay strong Manabi and Esmeraldas! God is with us”

Action star na si Roi Vinzon, bakla na

For the first time ay gaganap ang dating action star na si Roi Vinzon bilang isang closet gay na may-ari ng isang gym sa sexy comedy series na A1 Ko Sa ‘Yo.

Dahil unang pagkakataon na gagawin ito ni Roi, humingi pa ito ng pointers sa kanyang co-stars na sina Gardo Versoza at Sef Cadayona na masasabing expert na sa pagganap bilang mga beki sa mga teleserye ng GMA 7.

Malayo nga ito sa ginampanan ni Roi na isang homophobic na ama sa My Husband’s Lover.

“Ang ganda nung twist ‘no? North and south. Opposites. Huwag lang dibdibin ng mga tao ang roles ko dahil minsan nakakabaliw,” tawa pa niya.

“I love the story, saka ‘yung role ko. Exciting kasi sitcoms ‘yung hindi ko nalalabasan pa, eh.

“The fans will hopefully love Primo. Lalo na ‘yung mga action fans ko, they know me as a killer minsan. Sana they will accept me as I am and enjoy the character they’ll see me in.”

Advise raw ni Gardo sa kanya ay i-enjoy niya ang kanyang role at huwag niyang masyadong pag-isipan.

Isipin lang daw nito na ini-entertain niya ang maraming tao sa kakaibang role niya.

“Sabi nga ni Gardo, madali pa raw ang role ko kasi hindi ko pa kailangan magsuot ng bestida at mag-make-up. Kasi siya nagawa na raw niya iyon.

“Sinabi rin ni Direk Randy (Santiago) sa akin na it’s time na I explore new characters in my career. Kilala ako ni Randy kasi ilang beses kong nakatrabaho ang daddy niya si Direk Pablo Santiago sa mga action films. Kaya alam niya na astig parati mga roles ko.

“Now I need to embrace my new role para na rin sa ikasasaya ng maraming tao.”

Johnny Depp kinalasan at sinampahan ng kasong pang-aabuso ng asawa

Marami ang nagulat sa biglang pag-file ng divorce ng mag-asawang Johnny Depp at Amber Heard.

Kinasal lang noong nakaraang taon ang Hollywood actor at supermodel. Tumagal ng 15 months ang kanilang pagsasama.

Ito ang second marriage ni Depp. Una siyang ikinasal kay Lori Anne Allison in 1983 at nag-divorce sila in 1985. Matagal naman siyang nakipag-live in sa French actress na si Vanessa Paradis kung kanino meron siyang dalawang anak.

Ngayon ay sinampahan pa ni Amber si Johnny ng kasong domestic abuse.

Nag-file si Amber ng divorce noong May 23 citing irreconcilable differences. In the divorce petition ay humihingi rin siya ng spousal support.

Pero mula sa lawyers ni Depp, hindi magbibigay ang 52-year-old actor ng anumang spousal support.

Dumating nga ang divorce drama na ito kung kelan nasa kalagitnaan si Depp ng kanyang promotional tour for his latest movie na Alice Through The Looking Glass.

Kamamatay din ng kanyang ina na si Betty Sue Palmer noong nakaraang May 20 lamang.

Ang latest ay ang pag-file ni Amber ng isang temporary domestic violence restraining order sa estranged husband nito.

Ayon sa filed report, nag-suffer daw si Amber ng “verbal and physical abusive” sa apat na taong relasyon nila ni Depp.

“Johnny has a long-held and widely-acknowledged public and private history of drug and alcohol abuse. He has a short fuse. He is often paranoid and his temper is extremely scary for me as it has proven many times to be physically dangerous and/or life-threatening to me,” ayon pa kay Amber.

A judge granted her a temporary restraining order requiring Depp to stay 100 yards from her and gave her sole use of their downtown L.A. apartment.

Naglabas na ng isang official statement ang rep ni Depp para sa media:

“Given the brevity of this marriage and the most recent and tragic loss of his mother, Johnny will not respond to any of the salacious false stories, gossip, misinformation and lies about his personal life. Hopefully the dissolution of this short marriage will be resolved quickly.”

vuukle comment

A JEMAAH ISLAMIYAH

MAUTE

MINDANAO

WESTMINCOMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with