^

Pang Movies

Solenn mas pinili ang designer na taga-Israel

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Off to forever na ang lovers na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico dahil umalis na sila nu’ng May 16 papunta Paris, France upang magpakasal.

Gaya ng mga unang post ni Solenn, isang wedding gown na gawa ni Lili Hod na based sa Israel ang isusuot niya. Sa mga kaibigan, si Lovi Poe ang nag-post na nasa Paris siya para dumalo sa kasal ni Solenn.

Pero kahit kasal na, tuloy pa rin ang pagpapaseksi ni Solenn.

Alden si Jasmine ang original leading lady

Kumpirmadong kasama si Jasmine Curtis Smith sa movie nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil inilabas na ang ilang fans ng AlDub ang picture ng tatlo sa social media habang break sa shooting sa Italy.

Siyempre, may umalma pero meron din namang diplomatic na fans na nakiusap na wag kumparahin sina Meng at Jasmine.

Ani ng isang fan, “Please don’t start bashing somebody na wala namang ginagawa sa Bibis natin…they are friends so let’s just be happy na they have found a new friend. They are all beautiful…but of course, love natin ang Bibis…Let’s act like responsible adults. Thank you!”

Para sa kaalaman ng lahat, bago lumikha ng history ang loveteam nina Alden at Maine, nakatakda nang mag-shoot ng Pambasang Bae ng pelikulang si Jasmine ang kapareha under APT Entertainment. Magsisimula na itong gumiling nang biglang sumulpot si Maine sa buhay ni Alden. The rest is now history sa showbiz industry.

Eh responsible naman ang nasa likod ng APT Entertainment kaya naman alam din nilang bigyan ng proteksyon at halaga si Jasmine, huh!

Julie Anne nasa wish list si Bitoy

Itsapwera muna talaga ang lovelife kay Julie Anne San Jose. Matapos ang matagumpay niya concert sa Kia Theater last Saturday, may gusto na naman siyang gawing bago sa career at ‘yon ay ang makipag-collaborate sa isang magaling na artist, si Michael V.

Ayon sa Asia’s Pop Sweetheart, isa sa wish list niyang makatrabaho si Bitoy.

“I’m open sa mga collaboration especially if I know that it’s going to be a great piece and it depends din sa tao na gusto mong maka-collaborate,” rason ni Julie Anne.

vuukle comment

CULTURAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with