^

Pang Movies

Bob Arum at Freddie Roach hindi naniniwala sa pagreretiro ni Pacman

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang longtime promoter at trainer ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na sina Bob Arum at Freddie Roach ay hindi convinced na huling laban na ni Pacman ang magaganap sa April 9, 2016.

Sa ikatlong pagkakataon ay ang American boxer na si Timothy Bradley ang makakalaban ni Manny sa tinaguriang “swan song” fight niya.

Mas bibigyan daw ng panahon ni Manny ang kanyang pamilya at ang pagtakbo ngayong taon bilang senador. Nais ni Pacman na magbigay ng serbisyo publiko sa kanyang mga kababayan.

Sabi pa ni Arum: “I will not promote it as Manny’s last fight, because when it comes to boxers and retirement, you never know.”

Dagdag naman ni Freddie Roach: “I could see Senator Manny Pacquiao defending his world title. I don’t think this will be his last fight.

 “I think he will fight in the future because I just don’t feel he’s all done.”

Isabit man ni Pacman ang kanyang mga boxing gloves sa huling pagkakataon, hindi ma­lilimutan ng maraming Pinoy at ng maraming boxing fans sa buong mundo ang legacy na maiiwan nito.

Si Manny lang ang natatanging eight-weight world champion sa history ng boxing.

Nakapanalo siya ng 57 out of 65 fights at nakalaban niya ang malalaking pa­ngalan sa mundo ng boxing tulad nila Oscar De La Hoya, Miguel Cotto, Ricky Hatton, Juan Manuel Marquez, Erik Morales at Floyd Mayweather, Jr.

Dating model na TV reporter na, matagal nang kalat ang sex video

Apektado ang trabaho ng isang news correspondent na ito sa isang TV network dahil sa pagkalat ng kanyang video scandal.

Dating model ang naturang news correspondent at ilang taon pa lang siya sa pinasok niyang trabaho. Laking gulat nga raw nito nang may magsabi sa kanya na na-post sa isang gay website ang mga photos niyang hubo’t hubad siya.

Ang mga naturang photos ay screen grabs mula sa isang video kung saan may ka-online chat siya.

Hindi nga maitanggi ng model na siya ang nasa mga photos dahil kitang-kita ang mukha niya pati na ang kabuuan ng hubad niyang katawan.

Ayon sa aming source ay matagal na raw ang naturang video na iyon dahil medyo bata pang tingnan ang model. Ngayon kasi ay may asawa at anak na ito.

Malaking pagsisisi siguro ng model kung bakit masyado siyang naging mapusok na i-expose ang sarili niya. Ngayon ay mahirap na itong bawiin dahil lumabas na nga.

Maging aral sana ito sa iba na maging maingat kapag may ka-chat online.

Kung hindi mapigilan ay sana’y takpan naman ang mga mukha nila para hindi sila makilala.

Marami na ang nagiging biktima ng mga nakaka-chat online. Hindi mo alam na gagamitin nila ang mga private moments na iyon para makasira ng kinabukasan ng isang tao.

Alam na alam ‘yan ni Joross Gamboa.

Kris hindi nagpapaiwan sa aktingan

Binaha ang social media ng mga papuri sa naging performance ni Kris Bernal bilang si Tinay sa teleserye na Little Nanay noong nakaraang Martes.

Kung tutuusin ay puwedeng i-overact ni Kris ang kanyang character, pero nabigyan niya ito ng tamang timpla kaya naman umangat ito sa naturang eksena kunsaan kasama pa niya si Christopher de Leon.

Malaki ang naging improvement nito sa pag-arte at kaya niyang makipagsabayan sa mga award-winning veteran stars tulad nila Boyet de Leon, Bembol Roco at Ms. Nora Aunor.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BEMBOL ROCO

BOB ARUM

FREDDIE ROACH

LEFT

MGA

PACMAN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with