^

Pang Movies

Claudine at Raymart parehong ayaw na uling mag-asawa!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nilinaw ni Claudine Barretto na hindi dahil gusto niyang makipagbalikan kay Raymart Santiago kaya nagdesisyon siyang itigil na ang petis­yon niya for annulment.

“Kami ni Raymart ngayon,” paliwanag niya sa presscon ng comeback teleserye niyang Bakit Manipis ang Ulap? sa TV5, “we’re really very good friends now, we’re really trying our best talaga to be good parents talaga. Kasi nga, nag-fail na kami as husband and wife sa mga anak namin, so we don’t wanna fail as parents naman.

“So, napag-usapan namin na i-stop na lahat-lahat ng mga kaso, mag-co-parenting na lang kami sa pagpapalaki ng anak namin. And now na mayroon kaming naayos na strong foundation ni Raymart, na sobrang solid talaga kami when it comes to our kids, napag-usapan namin na...

“Sabi ko kasi sa kanya, “ano, mag-a-annulment na ba tayo? May girlfriend ka na ba?” Sabi niya, hindi na raw siya ikakasal. Sabi ko, “ayoko na rin”. So, sabi niya, “stop muna natin, huwag muna tayong mag-annulment”, kasi ‘yung kids, ngayon lang nila, nai-enjoy kami together, paminsan-minsan, like sa school or kumakain sa labas.

“Like yesterday, kasi may sakit siya ngayon, it was the first time yesterday na pinayagan ko ang mga anak ko to go to his place, to stay there for the whole day, kasi nga, para alagaan ‘yung Papa nila.”

Nakikita raw niyang masaya ang mga anak niya sa nangyayari ngayon at ayaw niya itong sirain by having the marriage annulled.

“’Pag nag-jump kami sa annulment ngayon, mabubuwag ulit ‘yung foundation na ‘yun. Mag-uungkatan na naman. So, ayaw na muna namin. Tutal, wala naman akong boyfriend, wala rin siyang girlfriend at hindi naman kami magkakabalikan so okay na lang ‘yun. Magastos din,” say pa ni Clau na natatawa.

Pero paano ‘pag na-in love siya in the future?

“Ang ano talaga namin is ‘pag okay na, ‘pag ready na ang kids. Ngayon kasi, na-accept na nila na iba na ‘yung house ni Papa, iba na ‘yung house ni Mama, and he can see them anytime.

“Pero ‘yung annulment, ‘pag na-in love ako, doon na lang sigu­ro, kung ma-in love ako ulit or ‘pag may girlfriend na siya. Basta sinabi ko sa kanya, bigyan niya ako ng heads-up.”

Pero sila ni Raymart ba ay no chance of reconciliation na?

“None. But we are really trying to be the best of friends for our kids talaga,” say ng aktres.

Sen. Grace tutok sa mga anak

Hindi nagkulang si Ms. Susan Roces at Da King Fernando Poe, Jr. sa pagmamahal kay Sen. Grace Poe kahit na inampon lang nila ang senadora.

Kaya naman ganito ring klaseng pagmamahal ang ibinibigay ngayon ni Grace sa kanilang mga anak ni Neil Llamanzares.

Kahit sobrang busy ang kaniyang sche­dule dahil sa trabaho bilang mam­babatas at sa preparasyon para sa nalalapit na kampanya, sinisiguro ni Grace na may panahon pa rin siya para sa mga anak na sila Brian, Hanna, at Anika.

Nakuwento nga dati ni Grace, kahit hindi siya masyadong nakakanood dahil sa busy niyang sche­dule, nakakasunod pa rin siya sa uso dahil naman sa daily AlDub update ng kaniyang mga anak.

Sa Instagram nitong Linggo, ibinahagi ng sena­dora ang picture nila ni Anika kung saan tinuturuan niya sa kaniyang homework ang anak.

Coco at Julia ‘di na nakakapag-usap sa kabisihan

Sabi ni Coco Martin, hindi pa raw nila napag-uusapan ni Julia Montes ang tungkol sa paggganap niya bilang Paloma sa Ang Probinsiyano kaya hindi pa niya alam kung ano ang reaksyon ng young actress na dating ka-loveteam at matagal nang nali-link sa kanya.

Mukhang walang masyadong komunikasyon ngayon sina Julia and Coco dahil nga pareho silang busy sa kani-kanilang serye. As we all know, kasalukuyang napapanood ang young actress sa Doble Kara sa afternoon slot ng ABS-CBN at dual role ang kanyang ginagampanan kaya mas doble rin ang hirap.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

ANG PROBINSIYANO

ANIKA

MGA

NGAYON

NIYA

PERO

RAYMART

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with