^

Pang Movies

Kaya nagsalita at nag-apologize sa minurang extra Direk Cathy trenta mil lang daw ang katapat ng ulo!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagbigay na ng kanyang panig si Cathy Garcia-Molina hinggil sa naging viral na open letter at reklamo ng dalawang talents na sina Rosellyn Domingo and Alvin Campomanes na naging extra sa seryeng Forevermore na idinirihe niya last year.

Sa exclusive interview ni Boy Abunda kay Direk Cathy na lumabas sa Push website ng ABS-CBN, nagpakumbaba na ang direktor, inamin ang pagkakamali and even apologized to the two talents.

Sa paliwanag ni Direk Cathy, ilang beses daw nagkamali ang talent sa set na hindi naman nakalagay sa complaint letter nito.

“Well, ilalagay ko rin sana sa konstekto, hindi naman nakalagay sa letter kung ilang beses siyang nagkamali, hindi rin nakalagay sa letter (kung) ilang beses, paulit-ulit kunan ‘yun, hindi rin nakalagay sa letter ang senaryong bumabalot kung bakit ako nakarating sa ganun’g emosyon.

“I admit, nagkamali ako, I admit, nagmumura po ako. I never lied. I never lied to anyone, kahit saang presscon, kahit saang interview, tinatanong, “direk, ikaw ba’y nagmumura?” Opo, I turn into a monster, I morph. With all good intentions, of course, of sana mapaganda ‘yung show, mapaarte ‘yung artista, makuha ang kailangan para maging maganda ang show.

“Pero hindi ko ipinagtatanggol na tama ang ginawa kong pagmumura. Mali ang magmura. Pero sana, ilagay natin sa konstekto,” pahayag ni Direk Cathy.

Naaalala raw niya ang insidenteng ‘yun kung saan ay nasa La Presa sila at malayo siya sa mga artista habang nagdidirek. Naka-mikropono lang siya habang nagbibigay ng instruction at ang assis­tant director niya ang malapit sa mga aktor.

“Maraming rehearsals, instructions, hindi nakuha, okay. Hindi uli nakuha, okay. ‘Yung sumunod, nagsalita ako. To be exact, ang sinabi ko, “sino ba ang kausap mo, ba’t di ka tumingin? Tingnan mo, ang kulit mo naman, eh. F…cksh…t ka!”

Ang pagmumura raw niya ay hindi para i-degrade or insultuhin ang tao kungdi parang bukambibig na lang. Pero hindi naman niya sinasabing tama ang pagmumura.

“Dumating ka sa akin bilang isang aktor, ie-expect ko na mag-deliver ka bilang isang aktor. I regarded him as the character. Kung may napapagalitan man ako, kasi hindi nagagawa ng karakter ‘yung kailangang ibigay du’n sa eksena,” paliwanag pa ng direktor.

Hindi raw maliit ang tingin niya sa mga extra dahil nagsimula raw siya sa ibaba at nakaranas din ng pagmumura noon mula sa mga nakatataas sa kanya.

Hindi rin napigilan ni Direk Cathy na ma­ging emosyonal dahil nga sa masasakit na mga salitang ibinato sa kanya hindi lang ng dalawang talents kungdi pati na netizens sa social media to the point na pati mga anak niya ay nadamay gayundin ang magulang niya at pati na ang yumaong asawa.

Sobrang panghuhusga raw ang kanyang natanggap mula sa mga tao.

Pero ang talagang ipinag-alala na raw ng pamilya niya, bandang huli ay parang death threats na raw ang dating ng ibang komento.

“Na about riding in tandem, na trenta mil lang daw ang katapat ng ulo ko, parang “tingnan ko kung hindi ka tablan ng bala”.

Kaya naman nagdesisyon na siyang magsalita para naman marinig ang kanyang side.

“I am doing this for my family. Spare my family. Hindi sila kasali dito. Ang naka-offend kay Alvin at sa girlfriend niyang si Rosellyn, ako. Ako ang mag-a-apologize. And if I deserve criticisms, too, then let it just be me. Huwag ang mga anak ko, huwag ang magulang ko, huwag ang mga kapatid ko.

“Noong sinaktan ko siya o nasakan ko man siya, wala akong ibang binanggit, ni wala sa pagkatao niya dahil wala akong alam sa pagkatao niya. Namura ko siya, nakapagmura ako dahil nagkamali siya  bilang artista ko. Hanggang doon lang ‘yun. Ang natanggap ko, beyond what I deserve,” umiiyak na sabi ni Direk Cathy.

Hangad din ng direktor na sana ay matapos na ang usa­ping ito at bukas din siya sa para sa anumang paghaharap o pag-uusap sa pagitan nila ng dalawang talents at willing din siyang mag-apologize sa mga ito personally.

“I will own up to my mistake kasi nagkamali ako, nakapagmura ako sa mga hindi naman pala nakakaalam sa industriyang ito. But beyond that, wala na akong ihihingi ng sorry,” pahayag pa ng Box Office director.

 

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BOX OFFICE

BOY ABUNDA

DIREK CATHY

HINDI

MGA

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with