^

Pang Movies

Erik madalas yayaing mag-sex si Angeline, Angeline gaya-gaya pati sa pakikipag-sex ni Regine kay Ogie

- Vinia Vivar - Pang-masa

Natawa nang bonggang-bongga ang entertainment press sa hirit ni Angeline Quinto sa presscon kahapon ng Royals na Valentine concert nila nina Erik Santos, Martin Nievera, and Regine Velasquez.

Bigla ba naman kasi niyang sinabi na madalas daw siyang biruin ni Erik at niyayaya siyang mag-sex.

Bago ito, ang tanong sa kanya ay kung ano na ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Erik at kung sila na ba.

“Ganun pa rin po,” sagot ni Angeline, “Kasi, ang daming nagtatanong sa akin, minsan ‘yung iba, nagagalit na, kung mahal ko naman daw po si Erik bakit daw po hindi ko sagutin.

Hindi ba niya mahal si Erik?

“Mahal ko po si Erik kaya lang po, marami akong iniingatan na hindi ko naman pwedeng i-share sa lahat.”

Ano ang iniingatan niya?

Biglang singit naman itong si Regine ng “puri, huwag ibigay ang Bataan”

Natawa ang lahat pero mukhang totoo ang sinabi ng Songbird dahil sinegundahan ito ni Angeline.

“Siyempre, sa panahon ngayon, ‘di ba? Mas mabuti nang ingatan ‘yun. Eh si Erik pa naman ang hilig magbiro na mag-sex kami,” rebelasyon ni Angeline na ikinaloka ng lahat.

Tinanong ulit siya ng “so, hindi pa sila nag-sex?”

“Never pa po, ‘pag nangyari ‘yun, kailangan, kasal na kami,” she said.

Habang si Regine naman, panay ang sabi na “naku, huwag mong isuko ang Bataan!”

Natanong tuloy si Regine kung siya ba ay hindi niya rin ibinigay ang Bataan kay Ogie Alcasid noon.

“Hanggang sa last day na malapit nang magsara,” natatawang sagot ni Regine.

Hirit na naman ni Angeline, “kasi nga po, ‘di ba, idol ko siya? So, ganu’n din ako.”

Sobrang tawanan talaga ang lahat.

So, ang tagal pa ng hihihintayin ni Angeline kung ganu’n. Willing ba siyang mag-wait?

“Eh mas mabuti na po ‘yung safe. Kailangan pa pong magtrabaho ng ano.”

Pero depensa naman ni Erik, biruan lang naman daw nila ni Angeline ‘yun.

“Pero kung gusto niyang totohananin, why not?” biro pa rin ni Erik. Pero binawi rin niya and sinabi, “Hindi tama ‘yun, baka gayahin tayo ng mga kabataan.”

Samantala, first time makakasama sa isang concert nina Erik at Angeline sina Martin at Regine. In the past ay pa-guest-guest lang sila sa mga concert ng dalawa pero ngayon lang talaga na silang apat ang headliner which means, lumelebel na talaga sila sa caliber ng dalawang music icon.

Hindi napigilan ni Angeline na maging emosyonal na makakasama niya ang kanyang iniidolo for the longest time na walang iba kundi si Songbird.

“Hanggang ngayon, tuwing nakakasama ko po si Ms. Regine, lagi akong excited na magkwento sa nanay ko, kasi ‘yung mama ko, hindi ko naman nakakasama sa mga lakad ko, sa mga shows.

“Kaya hanggang ngayon, ganito ako kasi sabi ko nga po sa mga tao, siguro, habang buhay na ‘yung pagiging idol ko sa kanya,” say ni Angeline na naiiyak na.

Na-touch naman nang sobra si Regine sa sinabi ng kanyang fan. “Natutuwa ako kasi nakita ko siya, bata pa siya, eh. Ka-batch niya si Sarah Geronimo sa Star for a Night. Tapos sabi nung nanay mo sa tatay ko, “Naku ‘yang anak ko, merong altar ‘yan para kay Regine”. Tinitirikan pala niya ko ng kandila,” natatawang say ni Regine.

Paliwanag naman ni Angge, hindi naman daw altar, wala naman daw kandila kundi ilaw lang.

Tungkol naman sa sinasabing ka-level na nila sina Martin and Regine, say nina Erik at Angeline ay marami pa raw silang kakaining bigas para mapantayan ang dalawa.

Gaganapin sa Feb. 13 ang Royals, 8 p.m. sa Mall of Asia Arena at sa Feb. 14 at the Waterfront Hotel and Casino, Cebu City.

James at Nadine nagpakilig uli sa San Francisco

Muling lumipad sina James Reid at Nadine Lustre sa San Francisco California kung saan nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa hit primetime series na On the Wings of Love.

Binisita ng engaged couple sa ikalawang pagkakataon ang Palace of Fine Arts na isang espesyal na lugar sa kanilang love story dahil dito inalok ni Leah si Clark na pakasalan siya para makakuha ng green card. Mas pinag-uusapan ngayon ang kahihinatnan ng pag-iibigang Clark at Leah dahil sa muling pagbalik nila sa San Francisco.

Samantala, nagpakilig din sina James at Nadine sa libu-libong fans sa Sacramento Memorial Auditorium sa ginanap na On the Wings of Love Certified Fans Day. Malakas ang hiyawan ng solid fans nang makita ang paboritong love team magpamalas ng kanilang galing sa pagsayaw at pagkanta.

Lilipad din sina James at Nadine sa Middle East sa Marso para sa JaDine in Love: The World Tour ng TFC kung saan handog nina James at Nadine ang isang unforgettable concert experience sa diehard fans nila sa Qatar at Dubai.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELINE

ERIK

HINDI

KUNG

NADINE

NAMAN

PERO

REGINE

SAN FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with