^

Pang Movies

Mga damit na pinintahan ni Heart, may silent auction

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Si Annabelle Rama ang nagpasok kay Heart Evangelista sa GMA 7 noong 2008 at ginawang leading lady ni Richard Gutierrez sa Asero na ang ibang mga eksena ay kinunan pa sa Dubai, United Arab Emirates.

Dalawang taon ding si Bisaya ang nag-manage sa career ni Heart hanggang maghiwalay sila ng landas.

Hanggang ngayon ay nasa Kapuso network pa rin si Heart at hindi naman maikakailang ang dating manager ang gumawa ng paraan para mapunta siya roon.

Nagkaroon ng gap noon sina Heart at Annabelle, pero natapos ‘yon nang aksidenteng magkita sila at halikan ng una ang huli.

Noong time na nasa pangangalaga ni Bisaya si Heart, ako ang “handler” niya noon.

Sa tuwing nakikita ko si Heart, palagi niyang kinukumusta sa akin ang dating manager niya.

Sa presscon nila ni Mark Bumgarner kung saan ay ipinakilala si Heart bilang si Love Marie na isang artist (painter), nang makita ako ng misis ni vice-presidentiable Chiz Escudero, si Bisaya ang kinumusta niya sa akin.

“How’s Tita Annabelle? Please send my regards to her!” sey ni Heart.

Anyway, handang-handa na nga si Love Marie para sa fashion show gala nila ni Mark sa ballroom ng Dusit Thani Hotel kung saan ay irarampa ng mga modelo ang kanilang collaborations.

‘Yung mga damit na makikitang suot-suot ng models sa fashion show na ‘yon ay design at gawa ni Mark, pero ang nag-paint sa bawat damit na ‘yon ay si Love Marie.

May silent auction din sa mga irarampang damit at puwedeng bilhin ‘yon at mapupunta ang lahat ng proceeds sa dalawang charity foundations.

Teka! Sa kampanya ba ng mister niyang si Chiz, ano ba ang gusto niyang itawag sa kanya – Heart o Love Marie?

O baka naman gusto niyang Mrs. Escudero na lang para hindi na nakakalito?!

Nanalo ng dolyares sa inilabang kaso dating aktres na level up na ang pagiging prinsesa, pa-travel travel na lang sa Europe ngayon

Aware pala ang isang dating artista na marami ang mga naiinggit at nang-iintriga kapag nagpo-post siya ng lavish lifestyle niya sa kanyang social media account.

Aware rin siya na pati ang actress/TV host/painter na misis ng isang politician ay naiintriga rin dahil doon.

Kaya behaved na raw muna si dating artista at kahit madalas pa rin silang lumalabas ng kanyang kaibigang actress/TV host/painter ay hindi na lang siya nagpo-post ng mga litrato na kuha sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Pero kung kilala mo si dating artista na tinutukoy ko, aba, talaga namang kaiinggitan ang kanyang buhay ngayon dahil lalo pa siyang yumaman dahil sa kasong ipinanalo ng kanilang pamilya sa ibang bansa.

For a while kasi ay natsikang medyo hindi na ganoon kayaman ang pamilya ni dating artista, pero noon pa rin naman niya ikinukuwentong may malaking kaso silang inilalaban sa ibang bansa at kapag nagwagi sila roon ay makukuha na nila ang milyones (in dollar, huh!) nila.

At hindi nga naglaon ay nanalo sila at nabayaran na, kaya hindi rin naman masisisi si dating artista kung i-enjoy nila ang kayamanang matagal din nilang hinintay na mapasakanila!

Ngayon nga, kapag naisipan ni dating artista na pumunta sa Europe, aalis siya kaagad.

Last year nga, ilang beses din siyang bumiyahe sa Europe na paborito niyang puntahan.

‘Yung bahay rin nila sa isang posh village somewhere in Metro Manila, ipina-renovate na rin nila at lalo pang lumaki at gumanda.

Sabi nga pala ng mga kaibigan ni dating artista, puwede naman daw dedmahin na lang nito ang mga naiinggit at nang-iintriga, pero alang-alang daw sa kaibigang actress/TV host/painter at nang hindi na rin ito madamay sa intriga, inililihim na lang ni dating artista ang paglabas-labas nila.

Pero sa totoo lang daw, hindi lang naman daw puro kasosyalan ang ginagawa nila dahil tumutulong din sila sa ilang charitable institutions, huh!

Clue kung sino si dating artista? Ay, huwag na lang, basta ang masasabi ko na lang, hindi lang siya parang princess ngayon kundi queen na ang dating niya dahil sa sobrang kayaman!

‘Yun na, just read between the lines!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTISTA

DATING

HEART

HINDI

LANG

LOVE MARIE

MGA

NILA

RIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with