^

Pang Movies

Kampo ng singer/actress tikom ang bibig sa offer ng malaking TV network

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tahimik lang ang kampo ng isang singer/actress tungkol sa tsikang nag-offer sa kanila ang isang top TV network.

Hindi naman kasi nagkatuluyan tungkol doon, kaya better quiet na lang daw ang kampo ni singer/actress.

Para sa kanila, hindi na kailangang idaldal pa ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Ni hindi naman daw umabot sa puntong may shows na talaga na binanggit na magiging regular si singer/actress kung sakaling tinanggap nila ang offer.

Nakakapagtaka nga raw na may mga naglalabasang shows daw na in-offer kay singer/TV host, lalo na ang tungkol sa isang singing contest, dahil hindi raw talaga sila umabot sa ganoong punto sa naging negosasyon ng kampo ni singer/actress sa nasabing top TV network.

Miriam naloka sa mali-maling kaganapan sa Miss U

Inusisa ko naman si Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao tungkol sa kapalpakan ng Miss Universe 2015 coronation night host na si Steve Harvey dahil imbes na si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach ang in-announce niyang winner ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nabanggit niya, pero kinorek din naman niya kaagad ‘yon. Ang problema nga lang, naiputong na ang korona kay Miss Colombia at na-disappoint na ang mga kababayan natin.

“’Kaloka ang events sa Miss Universe 2015 lalo na ang mistaken announcement ng host na si Steve Harvey! I was even disappointed because I really thought that Pia Wurtzbach’s answer was the best of the final 3. But I am very happy that the host quickly corrected his mistake and our candidate was rightfully announced the winner!

She really handled it with grace and humility! I even saw a video of her consoling the first runner-up. Talagang beautifully confident with a heart!” sey ni Miriam.

Nakakatuwa nga raw na finally ay may third Miss Universe na tayo after na maraming katulad niya na sumubok sa Miss Universe na muntikan na talagang maiuwi ang nasabing korona.

Ika-64th Miss U siguradong masusulat sa mga libro

Dahil kilala rin bilang beauty queen, marami ang nang-uusisa kay Ruffa Gutierrez kung ano ang masasabi niya at after 42 years ay may Miss Universe na uli tayo?

Kung matatandaan, marami ang nagsabi noon na mas bagay kay Ruffa na sumali sa Miss Universe kesa sa Miss World.

At dahil naging dramatic nga ang panalo ni Pia kahapon sa Miss Universe 2015, heto ang pahayag ni Ruffa, “A well-deserved dramatic victory for the Philippines after 42 years!”

Sabi pa ni Ruffa, kino-congratulate niya ang ating bagong Queen na si Pia for making the nation tremendously proud!

Sabi pa ni Ruffa, ang crowning nga ng 64th Miss Universe will forever go down in history as one for the books!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUT I

MIRIAM QUIAMBAO

MISS

MISS COLOMBIA

MISS U

MISS UNIVERSE

RUFFA

STEVE HARVEY

UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with