^

Pang Movies

Ina hindi mapakali ‘pag nasa bahay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Love na ni Ina Raymundo ang pagganap niya bilang kontrabida sa GMA primetime teleserye na MariMar.

Naging effective nga ang former sexy actress sa pagganap niya bilang si Brenda Aldama.

Kaya okey lang daw kay Ina na sa mga susunod na teleserye niya ay kontrabida ulit ang gampanan niya.

“Totoo nga ang sinasabi nila na it’s very liberating. You feel so free, ang sarap paglaruan ng character mo kaysa kapag mabait ka lang.

“Gusto ko iba siya, mala-Devil Wears Prada, mala-Meryl Streep.

“Hindi ‘yung galit na galit ‘yung litid ng leeg mo,” tawa pa niya.

Nag-turn 40 si Ina noong nakaraang December 9 at marami ang bilib sa pag-alaga nito sa kanyang katawan kahit na lima na ang kanyang anak.

Wala naman daw secret si Ina sa kanyang sexy figure. Masipag lang daw siyang gumalaw at magpapawis kahit na nasa bahay siya.

“Ayoko ‘yung walang ginagawa. I always find things to do sa bahay para mapawisan ako.

“Ever since naman noong dalaga ako, hindi ako tabain. Tsaka mahilig talaga akong mag-exercise kaya maintain ang figure natin.

“Dapat lang naman para hindi tayo magmukhang losyang, ‘di ba?” pagtat–apos pa ni Ina Raymundo.

Ken Chan masagana ang Pasko

Ngayong Pasko ay maraming natanggap na blessings si Ken Chan dahil certified rater ang kanyang pinagbibidahan na Destiny Rose sa GMA 7.

Kaya naman masagana ang Pasko ng kanyang pamilya dahil sa mga magagandang nangyayari sa career niya.

Close si Ken sa kanyang pamilya kaya naman lahat ng puwede niyang gawin para mapasaya ang mga ito ay gagawin niya.

Pero tuwing Pasko ay may act of charity na ginagawa si Ken kasama ang kanyang mga kaibigan. Ito ay ang bumisita sa mga batang may sakit na cancer sa Philippine General Hospital.

Sa disyerto pa nag-propose ang dyowa Eva Longoria ikakasal na naman!

Engaged na ang Desperate Housewives star at producer ng Devious Maids na si Eva Longoria sa telenovela star na si Jose Antonio Baston.

Nag-propose si Baston noong magbakasyon sila sa Dubai.

Nag-post si Eva sa kanyang Instagram na naghahalikan sila sa desert at ipinakita niya ang malaking ruby ring.

“Ummmm so this happened....#Engaged #Dubai #Happiness,” pag-caption pa ni Eva.

Unang nag-date si Eva at Jose noong 2013. President si Jose ng content and television ng Grupo Televisa, ang pinakamalaking Spanish-speaking media conglomerate.

Ito ang magiging third marriage ni Eva. Unang ikinasal si Eva sa General Hospital star na si Tyler Christopher. Ikalawang mister niya ay ang NBA star na si Tony Parker.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

EVA

EVA LONGORIA

INA

INA RAYMUNDO

LEFT

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with