^

Pang Movies

Next issue naman please anak ni Andi lagi na lang bida sa mga interview

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – May bagong movie si Andi Eigenmann, mabuti naman at kahit paano ay mapapanood uli siya ng kanyang fans.

Kadalasan kasi sa mga serye lang daw ng ABS-CBN siya napapanood.

Magaling na artista si Andi kaya’t hinahanap-hanap pa rin siya. Napapansin lang nila na sa tuwing may project si Andi ay parang walang bagong pakulo at pulos tungkol sa kanyang anak na hindi naman inaamin kung sino ang ama.

May nagtatanong tuloy, wala na bang ibang puwedeng pag-usapan sa kanya kundi ang tatay ng kanyang anak?

Paulit-ulit kasi at tipong nakakasawa na itong pakinggan, ‘yung medyo bago naman daw ang puwedeng pag-usapan.

Jose hindi sinipot ang birthday ni Wally

Maraming nagtataka kung bakit hindi sinipot ni Jose Manolo ang birthday ng kumpare niyang si Wally Bayola. Mabuti na lang at nandun si Paolo Ballesteros na gumanap bilang Gasgas Abelgas na dating papel ni Jose.

Mabuti pa ang Comedy Queen na si AiAi Delas Alas, at Ex-Movie Queen na si Ms. Helen Gamboa at ang Durable Actor na si Eddie “Manoy” Garcia, bumati sa birthday ni Lola Nidora.

Ano kaya ang problema at hindi niya nagawang siputin ang naturang okasyon?

Importante pa naman ang birthday sa isang tao, minsan lang kasi ito sa isang taon.

Bagong paandar ni Vice parang papatok

Masaya ngayon ang mga tagahanga ng It’s Showtime dahil may mga mapapanalunan silang mga gamit sa bahay bukod pa sa cash.

Well, tiyak na hahatak ng maraming tagapanood ang naturang show sa pa­ngunguna ni Vice Ganda sa kanyang bagong pakulong ito.

Bukod sa nakakaaliw, ayaw na kasi ng mga tagahanga na pulos palakpak at paghanga na lang ang inuukol sa mga artista. Hindi na uso ‘yung panahon ni Kuya Germs na palakpakan lang maligaya na ang mga tao.

Sa hirap ng buhay ngayon, puntirya nilang manalo para may maiuwi kahit paano sa kanilang mga bahay.                                 

vuukle comment

ACIRC

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

COMEDY QUEEN

DELAS ALAS

DURABLE ACTOR

EX-MOVIE QUEEN

GASGAS ABELGAS

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with