^

Pang Movies

Ogie suportado ang ‘pagsusugal’ ni Regine

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Napanood na ni Ogie Alcasid ang concert ni Regine Velasquez na pinamagatang Regine at the Theater sa Solaire Resort and Casino last Saturday.

Siyempre, proud na proud si Ogie sa performance ng asawa. Kahit si Ogie ay aminadong malaking risk ang ibinigay ni Regine sa concert nito. Pero kitang-kita raw niya na mahal na mahal si Regine ng audience dahil bawat performance nito ay pinapalakpakan ang Songbird.

Samantala, nakipag-meeting muli si Ogie sa TV5 para sa bagong project na gagawin niya sa Kapatid Network. Nire-request ni Ogie na isang music show na puwede rin daw talent contest depende raw sa gusto ng management.

Pinagkakaabalahan din ni Ogie ang kanyang bagong album sa Universal Records na puro wedding songs naman ang tema. Mayroon itong 5 original songs tulad ng Habang Buhay at I Love You at two weeks na lang daw ay matatapos na ang ibang detalye ng kanyang album.

Feeling humble rin si Ogie nang gawaran siya ng Parangal Levi Celerio sa katatapos na  7th PMPC Star Awards for Music kasabay si Rey Valera. Honored si Ogie na maka-duet ang nirerespeto rin niyang song writer na si Rey Valera.

Janno walang uurungan na raket!

Maging si Janno Gibbs ay nagre-request din sa TV5 ng isang bagong sitcom na hopefully ay matupad din next year.

Okey daw sa kanya kahit saan siya isabak ng TV5 na kahit sa drama ay hindi niya uurungan.

Thankful din ang komedyante sa Kapatid Network sa magagandang pagkakataon na ibinibigay sa kanya.

Pahinga muna si Janno sa pagsusulat ng kanta, naubusan daw kasi siya ng materyales, kaya mag-iipon muna ito  muli ng isusulat na kanta. Wish din niyang magamit din bilang theme song ng isa sa mga shows ng TV5 sa susunod na taon. Ngayon ay busy siya sa Hapy Truck ng Bayan kasama rin si Ogie.

vuukle comment

ALIGN

ANG

HABANG BUHAY

HAPY TRUCK

I LOVE YOU

KAPATID NETWORK

LEFT

OGIE

QUOT

REY VALERA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with