^

Pang Movies

Walang paki sa ginagastos baguhang producer may kasunod na agad na pelikula

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Masaya ang baguhang actress na si Kate Brios, malapit na kasing ipalabas ang movie niyang Maria Labo ng KIB Films directed by Roi Vinzon.

Marami ang nagtatanong, bakit daw kaya inabot ng walong milyon ang pelikula? Ano bang malaking eksena ang mapapanood?

Katunayan, may kasunod na silang gagawin na ang kapareha ay si Christoper de Leon, isang drama suspense movie.

Interesado si Kate sa pelikula kaya, wala siyang tutol kahit anong presyong sabihin na kailangan para matapos ang pelikula.

Sana naman masulit ang pera niyang pinakawalan para sa said movie.

Hindi biro magpakawala ng walong milyon.

Nasa movie raw si Jestoni Alarcon at Miggs Cuaderno.

Tutulong ang Viva Films kay Kate para ma-booked ang movie sa tamang mga sinehan. Premiere night na ng Maria Labo sa ika-10 ng November sa SM Megamall.

Carla at Tom matagal pinaghintay ang fans

Masaya ang mga tagahanga nina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil muling ibinalik ang kanilang tambalan.

Matagal-tagal ding hindi napanood na magkasama. Naging abala si Tom, dahil may teleserye sila ni Megan Young at si Carla naman ay kapareha ni Ryan Agoncillo sa Ismol Family.

Bakit kaya ngayon lang uli sila pinagsama? Parang ang tagal ng gap.

Kahit matagal na sa ‘Pinas, Drew first time kumain ng atis

Nakakatuwa naman si Drew Arellano. Sa tagal niya sa Pilipinas, ngayon lang daw siya nakatikim ng prutas na atis, na malimit niyang marinig na sinasabi ng kanyang nanay!

Mabuti na lang, noong sa Lobo, Batangas at Tanuan, ang location ng Biyahe ni Drew nakakita siya ng atis na ibinigay ng isang taga-Lobo. Masarap daw pala.

Sa Tanuan din siya nakatikim ng coffee ice cream. Pwede raw palang pagsamahin ang dalawang sangkap at masarap ang resulta.

Masaya ang Kapuso actor sa kanyang pagbibiyahe. Marami siyang nararating, nakakapag-scuba diving pa siya na talagang maipapakita ang kagandahan ng Pilipinas.

Gabby nage-expect ng regalo galing kay KC

Ngayon, Nov. 5, ano kayang birthday gift ni KC Concepcion sa kanyang ama na si Gabby Concepcion?

Maalalahanin kasing anak si KC at palagi raw may regalo sa ama, tuwing magdiriwang ng kaarawan.

Ate Vi, proud sa pagiging senior citizen

Senior citizen na si Gov. Vilma Santos noong Nov. 3 at very proud ang butihing gobernadora.

Sa kanyang katayuan bilang isang gobernadora, talaga namang dapat maging masaya si Gov. Vi dahil nakakatulong siya sa mga kababayan sa Batangas.

Sa mga tagahanga naman ay nakakapagbigay siya ng kaligayahan.

Maitanong nga, ano kaya ang regalo ni Luis Manzano sa kanyang butihing ina? Thoughtful din kasi si Lucky pagdating sa mga ganitong celebration, ‘di ba Angel Locsin?                                

vuukle comment

ANG

ANGEL LOCSIN

ATE VI

BATANGAS

CARLA

CARLA ABELLANA

DREW ARELLANO

MARIA LABO

MASAYA

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with