^

Pang Movies

Kahit may utang sa tax? Manny nabili na raw ang Letran

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Very visible si Manny Pacquiao sa bench ng Letran Knights last Friday kung saan championship game ng NCAA sa SM Mall of Asia Arena.

Naging suwerte ang presence ng Pambansang Kamao dahil panalo sa unang laban ang koponan kontra sa San Beda.

Sa bench ng Letran nakaupo si Pacquiao dahil may tsismis na nabili na niya diumano ang College of San Juan de Letran, huh!

Parang siya na yata ang major owner ng school kaya suportado niya ang team. Subalit wala pang kumpirmasyon sa tsismis na ito.

Eh, alam naman ninyo ang ba­lita ngayon kay Manny na may ki­nalaman sa tax cases niya. Bilyong piso ang pinababayaran sa kanya ng Court of Tax Appeals at kung aapela siya, bilyon din ang bond na kailangan niyang ilagak, huh!

Umalma na si Manny sa desisyong ito ng CTA kaya umapela siya sa Supreme Court.

Sa isang pahayag, narinig naming hindi raw ganoong kalakihan ang pera niya’t ba­yad na raw niya ang taxes na ito.

Siyempre, may himig pulitika ang diu­mano’y panggigipit kay Manny. As we all know, sa party ni VP Jojo Binay siya nakalinya bilang kandidato sa pagka-Senador! Matapos ngang magbigay ng karangalan sa bansa, ito ba ang kapalit ng paghihirap niya?

Beauty nagpakita na ng baby bump, Marian dinumog sa COMELEC

Babae ang panganay nina Bianca Gon­zales at basketbolistang si JC Intal. Agad naman syinare ni Bianca ang baby nila ni Intal.

Sa mga artistang buntis ngayon, proud naman si Beauty Gonzales na ipasilip ang kanyang baby bump ayon sa isang report.

Si Marian Rivera, next month na manganganak. Pero sa pagrehistro ni Yan Yan sa COMELEC nitong nakaraang araw, aba, inintriga ang treatment sa kanya ng ilang staff. Tanggol naman ng isa niyang fan, dapat lang naman na bigyan ng special ang buntis na kagaya ng kanyang idolo, huh!

“Natural na pagkaguluhan si Yan Yan sa pagdating niya. Kaya naman bigyan man siya ng ibang treatment, eh, normal lang dahil concerned din ‘yung empleyado sa kalagayan niya, huh!” depensa ng isang Marian die-hard.

Character actor sitting pretty sa piling ng dating public official

Sitting pretty na pala ngayon ang isang hindi na masyadong aktibong cha­racter actor dahil sa ka­re­lasyong dating public official.

Eh, may malaking ne­gos­yo raw ang public official kaya ang character actor, kahit walang masyadong trabaho eh puwede nang mabuhay nang masagana, huh!

Eh, mukhang napatino naman daw ng opisyal ang aktor. Hindi man kasi ito super-guwapo, machung-macho naman ang dating kaya naging habulin din ng mga babae noon.

At least, hindi nasayang ang appeal ng character actor dahil may pumatol pa rin sa kanyang matinong babae, huh!

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTY GONZALES

BIANCA GON

COLLEGE OF SAN JUAN

COURT OF TAX APPEALS

INTAL

NAMAN

NIYA

SHY

YAN YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with