^

Pang Movies

AlDub fans winasak ang website ng Ticketnet

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bongga at engrande ang mga paghahanda ng Eat Bulaga sa tamang panahon na mangyayari sa Philippine Arena sa October 24.

Nakakalula ang mga preparasyon ng TAPE Inc., ang produ ng hindi mapantayan na number one noontime show dahil sisi­guraduhin nila na masusulit ang pagpunta ng fans sa far away Philippine Arena.

Naloka nga pala ang mga nag-attempt kahapon na bumili ng online tickets para sa tamang panahon dahil bumigay ang server ng Ticketnet.

Paano ipapaliwanag ng detractors ng Eat Bulaga ang nag-crash na website ng Ticketnet dahil sa dami ng mga gustong  bumili ng tickets para sa big show sa October 24?

Invited sa big event ng Eat Bulaga sa October 24 ang lahat ng mga nakatulong at tumulong kaya naging successful ang kalyeserye ng Eat Bulaga.

Hindi ko na iisa-isahin ang names ng mga invited para hindi sila kainggitan ng mga naitsa-pwera.

Of course, invited ako pero pinag-iisipan ko pa kung may power ako na pumunta sa Philippine Arena dahil maaga ang call time at may kalayuan ang lugar.

Mother Lily pinaghandaan si AiAi, tumodo sa make up

Hindi nagtagal si AiAi Delas Alas sa contract signing niya kahapon sa Regal Films dahil may rehearsal pa siya para sa episode ngayon ng Sunday PinaSaya.

Para makatsikahan niya nang mabuti ang entertainment press, super early na duma­ting si AiAi sa Valencia Events Place, ang venue ng pagpirma niya ng kontrata sa movie company ni Mother Lily Monteverde.

Pinaghandaan din ni Mother ang contract signing ni AiAi dahil kuntodo make up siya. In good mood si Mother dahil pinipilahan sa takilya ang The PreNup, ang romantic comedy movie nina Jennylyn Mercado at Sam Milby.

Bagong album ni Alden gold agad, lumang album nadamay

Gold agad ang record album ni Alden Ri­chards sa GMA Records kaya pinarangalan siya kahapon.

Ang sey ng mga bossing ng GMA Records, marami ang bumili ng album ni Alden sa unang araw na inilabas ito sa music stores at record bars kaya pinarangalan siya ng Gold Record Album award.

Tuwang-tuwa si Alden dahil hindi nito expected na magiging mainit ang pagtanggap ng madlang-bayan sa kanyang album.

Damay rin sa success ngayon ni Alden ang lumang album niya sa isang recording company. Naging in demand ang old album ni Alden nang sumikat siya nang todo sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Aktor na adik sa droga, pumayag na magpa-booking sa baklang tsismosa

Natsugi ng isang baklitang showbiz personality ang isang aktor na hindi na active sa showbiz.

Ang baklita ang nagkukuwento sa mga reporter tungkol sa nakaraan nila ng aktor na nawalan ng career dahil nalulong sa droga.

Maraming beses na binigyan ng chance ang aktor pero nahirapan ito na talikuran ang masamang bisyo na diumano’y dahilan kaya pumayag siya na magpa-booking sa mga bading.

Malas lang ng aktor dahil kiss-and-tell ang gay showbiz personality na pinatulan niya kaya nalaman ng mga tao ang kanyang sikreto.

vuukle comment

ACIRC

ALBUM

ALDEN RI

ANG

DAHIL

DELAS ALAS

EAT BULAGA

GOLD RECORD ALBUM

JENNYLYN MERCADO

MGA

PHILIPPINE ARENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with