^

Pang Movies

Sen. Chiz ipinangalandakanang pasasalamat sa mga biyenan sa radyo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpapasalamat si Senator Francis Escudero sa suporta na ibinibigay ng mga magulang ng kanyang misis na si Heart Evangelista sa kandidatura niya.

Sinabi ni Papa Chiz sa isang radio interview ang kanyang pasasalamat sa mga biyenan niya.

“I thank them for their support, for believing in me. Malaking bagay ‘yon sa akin at higit sa lahat, malaking bagay kay Heart dahil nabunutan siya ng malaking tinik.”

Matatandaan na dumalo ang ina at mga kapatid ni Heart nang mag-announce si Papa Chiz ng kandidatura nito bilang vice president sa Club Filipino noong September 17. Hindi naman nakarating ang fadir ni Heart na si Rey Ongpauco dahil nagpapagaling ito noon.

Makukumpleto ang pamilya ni Heart sa renewal of vows nila ni Papa Chiz sa kanilang first wedding anniversary sa February 15, 2016.

Simple lang ang renewal of vows ng magdyowa dahil idaraos ito sa kanilang bahay.

“It’s not a second wedding. Renewal lang kasi noong unang kasal namin sa Balesin, wala ang mga magulang ni Heart. Gusto lang namin na meron kaming picture na kasama ang mga magulang niya. Gusto ni Heart na kumpleto ang kanyang pamilya,” ang sey ni Papa Chiz.

Mama Loi apektado rin sa pagpalpak ng signal tuwing kalyeserye na

Fan ng kalyeserye ng Eat Bulaga si former First Lady Loi Ejercito at tulad ng ibang mga cable subscriber, nawawalan din ng signal ang kanyang cable kapag pinapanood niya ang number one noontime show ng bansa.

Malaking advantage na dalawa at magkaiba ang cable subscription ni Mama Loi.

Kapag pumapalpak ang cable service sa kuwarto niya, bumababa si Mama Loi sa living room na iba ang cable provider at dito siya nanonood ng kanyang favorite show.

Never nagbago ang ugali kahit sikat na sikat na Alden may ginawang kabutihan kay AiAi

Si AiAi delas Alas ang isa sa mga makapagpapatunay na mabait na bata si Alden Ri­chards.

May isang kabutihan na gi­nawa si Alden para kay AiAi na hindi nito inaasahan.

Hindi ko na sasabihin kung ano ang ginawa ni Alden pero touched na touched talaga ang Comedy Queen.

Magkasama ang dalawa sa Sunday PinaSaya at sa pelikula na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya knows ni AiAi na never na nagbago ang ugali ni Alden mula nang sumikat ito nang todo.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ANG

CLUB FILIPINO

COMEDY QUEEN

EAT BULAGA

FIRST LADY LOI EJERCITO

HEART

HEART EVANGELISTA

MAMA LOI

PAPA CHIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with