^

Pang Movies

Lea nagpasalamat sa ‘benefit of the doubt’ ni Papa Joey

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Better late than never ang reaksyon ni Lea Salonga sa tweet ni Joey de Leon noong September 26 na “Hindi naman pala daw AlDub pinatatamaan ni Lea. Baka naman ‘yung kabila? Nagtatanong lang po.”

Busy si Lea sa kanyang musical play sa New York kaya kahapon lamang siya nakasagot sa pralala ni Papa Joey.

Nagpasalamat si Lea kay Papa Joey dahil sa ibinigay nito na benefit of the doubt sa kanyang tweet na pinagpistahan at umani ng sangkatutak na batikos.

Ang sey ni Lea, “Hi, Tito Joey, I’ll take this to mean that you’re at least giving me the benefit of the doubt. For that, thank you very much” na sinagot ni Papa Joey ng

“Hi Lea, no worries. Wala na ‘yon! Magsimula na lang tayong lahat ng A WHOLE NEW WORLD! Mabuhay ka!”

Mga sumbungero kay Lea nagmukhang tanga

At dahil nagkapaliwanagan sina Lea at Papa Joey, nagmukhang tanga ang mga nagsumbong kay Lea na bina-bash ito ni Papa Joey sa social media.

 ‘Yan ang napapala ng mga mahihilig mang-intriga at hindi muna inaalam ang pagkakaiba ng bashing at pagbibigay ng reaksyon sa mga isyu.

Pero mag-expect tayo na hindi pa tapos ang kontrobersya dahil sure na sure na may mga magsasabi na para talaga sa kabila ang kababawan tweet ni Lea.

Alden hindi mami-miss ng viewers kahit lilipad pa-Japan

May show si Alden Richards sa Japan sa October 11 kaya asking ang fans kung mapapanood siya ng live sa Eat Bulaga sa October 10.

Puwedeng umapir si Alden sa Eat Bulaga sa October 10 kung pagkatapos ng Eat Bulaga ang flight niya papunta sa Japan.

Makakasama ni Alden sa GMA 7 Pinoy TV show sa Japan si AiAi Delas Alas. Ang dalawa ang special performers sa 10th anniversary celebration ng GMA Pinoy TV sa Japan.

Hindi mami-miss sina AiAi at Alden ng Sunday PinaSaya viewers dahil knowing them, siguradong may advance taping sila para sa kanilang Sunday noontime show sa GMA 7 na patuloy na humahataw sa ratings.

Aktres malapit nang lumabas ang baho, actor/politician may pasasabugin

How true na may pasabog laban sa isang aktres ang actor/politician na mahal ng masa?

Reliable ang source ko kaya wai­ting ako sa pagsasalita na gagawin ng actor/politician na ikawiwindang daw ng aktres.

May direct contact ako sa actor/politician pero ayokong magtanong sa kanya. Hintayin na lamang natin ang kanyang mga pasabog.

Anak ni Jinggoy, ka-ticket na ng kanyang Lola Guia

Ang anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Janella ang magiging running mate ni incumbent San Juan Mayor Guia Gomez sa eleksyon sa 2016.

Idineklara ang kandidatura nina Mama Guia at Janella sa unity convention na ginanap noong Miyerkules sa San Juan FilOil Flying V Arena.

Dumalo sa unity convention ang libu-libong re­sidente ng San Juan na suportado ang tandem nina Mama Guia at Janella, sa pangunguna ni Manila City Mayor Joseph Estrada.

Ang sey ng isang saksi, hindi raw makapapayag si Papa Erap na muling malugmok sa kahirapan ang San Juan City.

Si Papa Erap ang pangunahing dahilan kaya umunlad ang San Juan na ipinagpapatuloy ni Mama Guia.

Nangako ang mga residente ng San Juan na susuportahan nila ang kandidatura ni Mama Guia at ng panganay na anak nina Papa Jinggoy at Precy na naglilingkod ngayon bilang konsehala ng kanilang bayan.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

LEA

LEFT

MAMA GUIA

PAPA JOEY

QUOT

SAN JUAN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with