^

Pang Movies

Oyo hindi nakilala ng congressman na muntik sumagasa sa kanilang mag-anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga kutob na hindi nakilala ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa ng driver ng Mercedez Benz na muntik nang bumunggo sa kanila at sa tatlong anak na kasama nila habang tumatawid sila sa kalsada.

Kung nakilala ng driver ang mag-asawa, baka nagdalawang-isip siya sa kanyang gina­wa dahil alam niya na pamangkin ng senador si Oyo at anak ito ni Vic Sotto.

Kinunan ni Oyo ng litrato ang sasakyan na may plate number na 8 kaya sure na sure siya na congressman ang may-ari. Hindi lang sigurado si Oyo kung sino ang nagmamaneho ng Mercedez Benz pero nakita niya sa passenger seat ang babae sa tabi ng driver.

Nakita ni Oyo ang mukha ng driver at kung muling magsasalubong ang mga landas nila, tiyak na makikilala niya ang mhin na nang-agrabyado sa kanila.

Alden at AiAi susugod sa Japan

Invited ako sa contract signing ni AiAi Delas Alas sa Regal Entertainment Inc. pero hindi ako makakapunta dahil may taping ako para sa CelebriTV.

Napaaga ang taping namin para sa CelebriTV dahil pupunta si AiAi sa Japan para sa show nila ni Alden Richards.

Matagal nang naka-schedule ang Japan show bago pa man nagkaroon ng CelebriTV at bago pa sumikat nang husto si Alden. Masuwerte ang mga Pinoy sa Japan dahil makikita nila nang personal ang hottest actor ngayon sa Pilipinas.

Showbiz may shortage na sa baby boy

Babae ang isinilang ni Empress Schuck, babae ang ipinagbubuntis ni Marian Rivera at babae rin ang ma­­­giging anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agon­cillo.

Parang may shortage ng mga baby boy sa showbiz dahil puro babae ang mga ipinagbubuntis ng mga artista. Nagkakatotoo na yata ang hula na darating ang araw na mas mahihigitan ng mga babae ang bilang ng mga kalalakihan at hindi pa kasali rito ang mga mhin na pinili na maging transgender women.

Sarah litaw na litaw ang ganda kahit walang make-up

Bagets na bagets si Sarah Geronimo nang magkita kami kahapon sa Viva Films office.

Walang make up at white shirt lamang ang suot ng a­king favorite singer-actress na halatang in love na in love dahil blooming na blooming siya.

Naghahanda na si Sarah para sa kanyang major concert sa Araneta Coliseum sa December 4, ang From The Top.

I’m sure, magiging makabuluhan para kay Sarah ang From The Top dahil may karelasyon na siya. Hindi tulad ng kanyang mga nakaraan na concert na very much single siya at walang inspirasyon.

Wish ko lang, huwag maging emotional si Sarah sa kanyang forthcoming concert. Baka matulad siya sa singer na si Sitti Navaro na hindi napigilan ang umiyak nang mapag-usapan ang kanyang career at asawa.

Bagong kasal si Sitti na nag-dialogue na may kabuluhan na ang kanyang pagkanta mula nang magpakasal siya noong May 2015 sa love of her life.

Biglang tumulo ang luha ni Sitti dahil sa sobrang happiness na nararamdaman na ikinakilig ng mga reporter na dumalo sa grand presscon ng Sitti Singles Bossa Nova Trio, ang bagong record album niya sa MCA Music.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ARANETA COLISEUM

DAHIL

DELAS ALAS

FROM THE TOP

MERCEDEZ BENZ

MGA

NANG

OYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with