^

Pang Movies

Kim pumiyok, ugali ni Maja hindi raw maganda

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi na nagkaila si Kim Chiu nang tanungin ni Vice Ganda sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday kung naranasan na ba niya ang kaliwain ng boyfriend.

“Oo” ang sagot ni Kim. Hindi naman pina­ngalanan kung sino ang boyfriend na ‘yun kaso nabuking din naman dahil nang tanungin ni Vice kung naka-ilang boyfriend na siya, sabi ng aktres, “isa lang”.

Eh open book naman sa lahat na naging boyfriend niya si Gerald Anderson.

Pero say nga ng isa sa bida ng Etiquette for Mistresses, luma na ‘yun, matagal na at naka-move on na raw siya. Totoo raw pala na pagdating ng araw ay kaya mo na lang pagtawanan ang mga nangyaring masasakit na bagay sa buhay.

Pinagtatawanan na lang ni Kim ngayon ang nangyari sa kanila ni Gerald at aniya part daw talaga ng growing up ang pain.

When asked kung mas maganda ba ang ipinalit sa kanya, say ni Kim, “marami namang klaseng ganda, ganda na panglabas, ganda na pangloob. Okay na ‘yung pangloob.”

Napasigaw na lang si Vice sa sagot ni Kim.

Anyway, tatlo ang na-link kay Gerald after Kim – Bea Alonzo, Sarah Geronimo and Maja Salvador. Bahala na kayong tumukoy kung sino sa kanila ang sinasabing ipinalit ng aktor at dahilan ng pangangaliwa nito.

Sam natorpe na naman kay Jennylyn

Hindi na kinaya pa ng schedule ni Jennylyn Mercado na i-extend ang My Faithful Husband dahil punung-puno na talaga ang calendar niya. Grabe na raw talaga ang sche­dule ng aktres mula ngayong October hanggang December na.

Gusto sana ng GMA-7 na i-extend pa ang serye pero talagang wala nang libreng araw pa ang aktres lalo na sa November.

Dahil nga pinalitan si JM de Guzman bilang leading man ni Jen sa Walang Forever, nag-adjust din ang schedule ng aktres at hanggang sa December ay may shooting siya. May Singapore shoot pa ang movie kaya lilipad pa sila.

As we all know, si Jericho Rosales na ang leading man ni Jen sa Walang Forever. Ang nasabing movie ay intended for Metro Manila Film Festival produced by Quantum Films.

Nagkaroon na ng look test sina Jen and Echo at maganda rin daw ang chemistry ng dalawa.

Babaeng walang pahinga raw ngayon si Jen ayon sa kanyang manager na si Becky Aguila. Nalilito na nga raw ang aktres sa mga araw at hindi na niya alam minsan kung anon’g araw na sa pagkapuno ng schedule.

Sa ngayon ay magiging busy rin si Jen to promote her first movie with Sam Milby, ang PreNup na showing na sa October 14. Mayroon pa siyang Starstruck kung saan ay judge ang aktres. Nagbukas din siya ng bagong negosyo, ang franchize ng Bean Leaf Coffee and Tea located at Caltex Gasoline Station sa Timog.

Excited si Jen sa PreNup lalo na nga’t maganda ang feedback sa trailer pa lang. After English Only Please ay mu­ling makikita ng manonood ang kanyang funny side. Sa trailer pa nga lang ay marami na ang natatawa sa kanya.

Cute rin ang chemistry nila ni Sam. May nagsabi sa aming crush ng aktor si Jen pero natorpe raw na magtapat ng feelings. Totoo kaya ito?

Showing na sa October 14 ang PreNup mula sa direksyon ni Jun Lana. Kasama rin sa movie sina Freddie Webb, Jacklyn Jose, Gardo Versoza, Melai Cantiveros, Neil Coleta, Dominic Ochoa among others.

Coco binabago ang imahe ng mga pulis

Minsan pa ay pinatunayan ni Coco Martin na deser­ving siya sa titulong King of Primetime Drama dahil sa pag­sisimula ng bago niyang seryeng Ang Probinsiyano last Monday night, nagtala ng napakataas na ratings ang serye na 41.6% base sa datos ng Kantar Media.

Kung sa simula pa lang ay ganito na kataas ang serye ni Coco, hindi malayong sa mga susunod na episodes ay mas mataas pa ang maging ratings nito.

Sa pilot episode last Monday ay ipinakita kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng mga gustong maging pulis. Talagang sa unang episode pa lang ay makikita na sa serye ang pagbibigay-pugay sa ating kapulisan.

Pinuri-puri ng mga netizens ang napakagandang pagkakagawa ng serye na mas maganda pa nga raw sa pelikula.

Kudos to all the staff and cast, sa mga direktor na sina Malu Sevilla at Avel Sungpongco at buong Dreamscape Entertainment.

vuukle comment

ACIRC

AFTER ENGLISH ONLY PLEASE

ANG

ANG PROBINSIYANO

AVEL SUNGPONGCO

BEA ALONZO

BEAN LEAF COFFEE AND TEA

BECKY AGUILA

KUNG

LANG

WALANG FOREVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with