^

Pang Movies

Iba raw pala sa serye Kim nahirapan mag-drama

- Vinia Vivar - Pang-masa

First time ni Kim Chiu sa role na mistress sa pelikulang Etiquette for Mistresses. She’s playing Inah, isang entertainer/performer sa isang lounge at aniya, while doing the film ay mas lalo raw tumaas ang tingin niya sa mga babaeng may ganitong uri ng trabaho.

“Habang sinu-shoot naming ‘yung eksenang kumakanta ako sa lounge, tumaas ang respeto ko sa mga entertainer. Kasi parang ang hirap pala ng ginagawa nila.

“Kasi kung minsan, nabobosohan sila, hinahawakan sila, eh wala silang magawa kasi nagta­trabaho sila. So, sabi ko “oh my God, ganito pala kahirap”. Kasi may mga eksenang hinihipuan sila. Oh my God, ang hirap kumita ng pera! ‘Yung literal, ang hirap pala.

“So after nu’n, tumaas ang respeto ko sa mga entertainers and performers,” sabi ni Kim.

Pag-amin pa ni Kim, ayaw daw ni Direk Chito ang acting niyang pang-teleserye kaya ‘yun pa ang isang bagay na nahirapan siya. Iba raw pala ang ac­ting sa drama sa movie at drama sa TV.

“So medyo mahirap siya, may hinga, may tamang paghinga. So parang at least natutunan ko kung paano ang movie drama,” she said.

Claudine ayaw husgahan ang pagiging kabit

Ayon kay Claudine Barretto, tinanggap niya agad ang Etiquette for Mistresses for her comeback movie dahil unang-una, si Chito Roño ang direktor at si Kris Aquino ang isa rin sa mga makakasama niyang bida.

Kumbaga, parang reunion nilang tatlo ito since nagkasama-sama sila sa pelikulang Sukob.

“After Sukob, I never thought na magkakasama ulit kami, na magre-reunite kami sa isang project and nun’g binasa ko po ‘yung Etiquette for Mistresses, ‘yung book, parang sabi ko talaga, parang ito ang magandang comeback na pelikulang gagawin ko. Kasi, napaka-challenging po ng role ni Chloe (her character),” say ni Claudine.

Ayon pa sa aktres ay sobrang na-miss daw niya talaga ang paggawa ng pelikula dahil 2011 pa raw ang last movie niya.

“Sobrang happy, sobrang overwhelmed and excited. Ang last ko, In your Eyes, 2011, ang tagal. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik na rin ako.

“Parang ang tagal-tagal ko kasing simple lang ang buhay, normal ang buhay, mother lang sa mga anak ko. Pero ‘yung ngayon, parang happy na happy ako kasi nakabalik na uli at napakaganda ng project na ito para sa isang comeback after so many years.”

When asked kung kakayanin ba niyang maging mistress, ayon sa aktres, aniya ay nag-e-exist daw talaga ito sa society natin pero mahirap daw magsalita at ayaw niya ring husgahan ang mga kabit.

“Marami tayong kakilala na piniling tahakin ang ganun’g klase ng buhay. Na may iba’t ibang rason. Ako po hindi ko masasabi, mahirap mag-judge ng tao kasi alam naman natin kung ano ang tama,” sabi pa ng aktres.

In real life, ibang problema ang pinag­da­anan ni Claudine at ito ay ang annulment case nila ni Raymart Santiago na kasalukuyan pang nasa korte. Kaya naman say niya, talagang pabor siya sa divorce.

“It’s very painful, ‘yung pinagdadanaan ko ngayon. Mahirap. Kung hindi na sila masaya, bakit pa sila nagsasama? Kung hindi na sila nagmamahalan, bakit pa sila nagsasama? Para malinaw sa anak,” pahayag ng magaling na aktres.

Kathniel hindi makahabol?! James siyam na beses hinalikan si Nadine!

Hindi nagpaawat ang JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre at avid viewers ng On the Wings of Love last Thursday at talagang umusok ang Twitter sa kanilang comments.

Sa episode last Thursday ay natuloy na finally ang pinakahihintay na first real kiss sa serye nina James at Nadine.

Sa hashtag na #OTWOLMostApprovedKiss, umabot ng 1.66 million ang tweets ng serye at nag-top trending ito worldwide. Kanya-kanya ring upload ng videos ang netizens kung paano sila nagsisigawan habang naghahalikan sina Leah (Nadine) at Clark (James).

Sa bilang ng fans, umabot daw sa 9 na beses hinalikan ni Clark si Leah kaya naman sobrang kilig talaga nila. Ang tagal nga naman nilang hinintay ang eksenang ito at ilang beses silang nabitin dahil parating hindi natutuloy ang kissing scene.

Nang finally ay natuloy na, worth the wait naman daw dahil talagang nabusog sila sa halikan ng dalawa.

Actually, inabangan din namin ang episode na ‘yun at pati kami ay kinilig din naman talaga. Lakas magpakilig talaga nina James at Nadine at ibang klase rin talaga ang chemistry nila.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CLAUDINE

KASI

LEFT

NADINE

PARANG

QUOT

SILA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with