^

Pang Movies

Misteryoso ang role, LT kalahating araw lang nag-shooting para sa Felix Manalo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Panoorin n’yo na lang ang Felix Manalo, ‘yan ang consistent na sagot ko sa mga nagtatanong tungkol sa role ni Lorna Tolentino sa epic movie ng Viva Films.

Basta ang masasabi ko, maligayang-maligaya ako sa participation ni LT sa Felix Manalo dahil mahusay kausap ang production staff.

May recording si LT para sa kanyang Watson commercial nang matanggap ko ang tawag mula sa production staff ng Felix Manalo.

Tinanong ko muna si LT kung puwede ito na mag-shooting at pumayag naman siya. The rest is history. Kasama na si LT sa isang makasaysayan na pelikula tungkol sa kauna-unahang mi­nistro ng Iglesia Ni Cristo.

Kasali rin sa Felix Manalo ang ibang mga alaga ko, sina Tonton Gu­tierrez, Raymond Bagatsing, Alfred Vargas at Gladys Reyes.

Nag-enjoy nang todo si Tonton sa shooting ng Felix Manalo dahil organisadung-organisado ang lahat.

Hindi nga nakaramdam ng pagod si Tonton kahit naglagare siya sa filming ng Felix Manalo at sa taping ng isang teleserye ng ABS-CBN.

May kahabaan ang role ni Tonton sa Felix Manalo dahil tumagal din ng apat na araw ang shooting niya, kumpara sa halos kalahating araw lang na shooting ni LT. 

Hindi na nakadalo si Alfred sa kasal ni Diana Zubiri noong May dahil ang shooting ng Felix Manalo ang naging priority niya. Kinunan ang mga eksena ni Alfred sa Pagsanjan, Laguna at sinubukan niya na humabol sa wedding reception pero hindi na siya umabot.

Kapatid na babae ni Ka Felix ang role ni Gladys sa Felix Manalo. Hindi rin nagkaroon ng aberya sa schedule ni Gladys dahil siniguro nito na walang conflict sa shooting ng Felix Manalo ang ibang commitments niya.

Yassi at Andre pinaghahandaan ang gagawin sa Palawan

Pupunta sa Palawan ang cast ng Girlfriend for Hire dahil doon kukunan ang mga mahahalagang eksena nina Yassi Pressman at Andre Paras.

Inaayos na mabuti ang hectic sche­dule ng mga lead star ng Girlfriend for Hire para hindi magkaroon ng conflict dahil matatagalan ang shooting nila sa Palawan.

Sa November pa ang playdate ng Girlfriend for Hire. Mauunang ipalabas sa mga sinehan sa susunod na buwan ang Wang Fam, ang horror comedy movie ng Viva Films na tinatampukan din ng loveteam nina Yassi at Andre.

Papa Joey tunay na anak ang turing kina Alden at Maine

Mahal na mahal ni Joey de Leon sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa tuwing nagkukuwentuhan kami ni Papa Joey sa studio ng Startalk, puring-puri niya sina Alden at Yaya Dub dahil walang kayabang-yabang sa katawan ang dalawa.

Parang mga tunay na anak ang trato ni Papa Joey sa sikat na loveteam ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Obvious na fan na fan si Papa Joey ng AlDub. Kita n’yo naman, madalas  na nahuhuli si Papa Joey na nanonood  at aliw na aliw sa mga eksena ng kalyeserye.

Pati nga si Senator Tito Sotto, nakunan ng TV camera habang kinikilig sa pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub noong Sabado. Palaisipan sa marami kung bakit naiiyak sila sa mga ekse­na ng kalyeserye, kahit alam nila na umaarte lang ang mga karakter.

Talagang may kakaibang magic na dala ang AlDub at ang kalyeserye ng Eat Bulaga.

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

FELIX

FELIX MANALO

MANALO

MGA

NBSP

PALAWAN

PAPA JOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with